***
"How's the food, Dana? Do you like it?" Tanong ni Rio sa dalagang kaharap.

Nasa restaurant sila ng 5 star- hotel kung saan sila nagsistay. Niyaya niya ang dalagang magdinner dahil may sasabihin siya rito afterwards. Ayaw na niyang patagalin pa ang panliligaw dito dahil nakikita naman niyang malaki ang pag asa niyang sasagutin siya ni Dana.

"Oo naman, Kuya." Sagot lang nito habang nginunguya ang steak na inorder nito.

"Kuya parin, Dana? Ilang araw na ba kitang nililigawan? 5? 6? Tapos 'kuya' pa rin ang tawag mo sa akin? Mabuti pa kung may ibang tao natatawag mo ako sa pangalan ko. Pero kapag tayong dalawa lang, 'Kuya' talaga ang tinatawag mo sa akin."

"Sorry, Ku- Rio. Nasanay lang talaga akong tawagin kang 'Kuya'."

"Okay lang. Dana, can I ask you something?" Kinakabahang tanong ni Rio. Parang ngayon lang yata siya nakaramdam ng ganito. Na para bang dinadaga ang dibdib niya kapag kaharap ang dalaga. Siguro nga inlove na talaga siya sa dalaga.

"Ano 'yon, Rio?" Tumigil ito sa akmang pagsubo at inilapag ang hawak na kutsara at tinidor sa plato nito. Titig na titig ito sa kanya ng hinarap siya nito.

"Hmmm. Do you love me too, Dana?" Ginagap niya ang kamay nito habang itinatanong iyon.

"Rio? Eh, hindi tayo bagay. Pagtatawanan ka lang sakaling nakipagrelasyon ka sa akin. Kay April pa nga lang supalpal na ako. Sa ibang tao pa kaya? Alalahanin mo, Rio. Artista ka. Tinitingala ka nila. Sinasamba. Ano nalang ang iisipin nila sakaling malaman nilang nagkagilpren ka ng PA. Lalo at hindi pa maalam sa salitang englis. Sa iba nalang, Rio. Huwag na ako." Pagtanggi nito sa alok niya kasabay ng pagbawi nito sa kamay na hawak niya.

"Pero, Dana. Hindi ka naman makikipagrelasyon sa kanila. Sa akin naman eh. Oh sige. Kung inaalala mo talaga 'yon, pagbalik natin sa Manila papaturuan kita. Maghahire tayo ng pwedeng magturo sa'yo para maging matatas ka sa pagsasalita ng English. Pati na ang tamang manners sa pagharap sa tao, lalo na iyong tamang kilos at galaw ng isang dalaga." Determinadong sabi ni Rio.

"Pero..."

"Look who's here guys. Rio Castro?" Narinig ni Rio ang boses ni April sa likuran niya.

Tumayo siya at akmang pagsasabihan ito dahil ininterfere nito ang dinner date nila ni Dana. Pero laking gulat niya ng agad nagkislapan ang mga camera. Maraming kasamang reporter si April.

Kaya imbis na harapin nito si April ay nilapitan nito si Dana at akmang hihilahin para makalayo sila sa mga ito.

"Hep! Where are you going, Rio? Bakit hindi mo ipakilala sa amin 'yang kadate mo?" Nakangising tanong ni April sa kanya. She blocked their way to the exit.

Nagsipalibot naman sa kanila ang press at lalong hindi nakagalaw ang dalawa. Itinago ni Rio si Dana sa likod n'ya.

Hindi na yata sila makakaligtas sa mga tanong ng mga reporter. Para itong mga bubuyog na sabay-sabay nagsasalita.

:Siya na ba ang bago mo?

:Siya ba iyong PA mo na sinasabing karelasyon mo?

:Totoo bang maid mo ang bago mong girlfriend ngayon?

:Totoo bang no read no write iyang gf mo, Rio?

:Totoo ba ang chismis na si King Rio ay pumulot ng bato na ipupukpok sa ulo niya dahil sa pakikiparelasyon sa hindi niya kauri?

:Bakit ka kumuha ng chararat na girlfriend, Rio?

:Alam ba ng pamilya mong taga alta-sosyodad ang pakikipagrelasyon mo sa isang hampas-lupa?

Hindi na nakapagpigil ng damdamin si Rio sa naririnig. Alam niyang nasasaktan na si Dana ng sobra sa walang prenong mga tanong ng mga ito. Alam niyang ito ang iniiwasan na mangyari ni Dana kaya hindi pa siya nito sinasagot.

"Stop it! Wala kayong karapatang panghimasukan ang private life ko! Halika na, Dana." Agad siya nitong hinila pero nahawakan pala ni April ang kamay ni Dana.

Hinila ni April ang dalaga papunta sa kanya at inakbayan para hindi na siya mahila pa pabalik ni Rio. Wala nang nagawa si Rio kundi ang mapakuyom ang kamao sa likuran nina April at Dana.

"Why don't you tell who you really are, Dana Perez? Tell them in English." Pang uuyam pa nitong utos kay Alana.

"I've heard about that, April. That's so funny. I wanted to hear it myself." Nakangising turan ng isang reporter.

Tinitigan ni Alana si April tapos ang reporter na nagsalita at ang ilan pang nakangising press sa harapan niya. Nanggagalaiti na sa galit si Alana dahil sa panunuya ng mga ito. Hindi siya papayag na may hamakin ang mga ito para lang sa ikaliligaya nila. Baka makasanayan ng mga ito 'yon at gawin pa sa iba na talagang walang kakayahang makapagsalita ng maayos na english at hindi nakakariwasa sa buhay. Mas mabuting maaga palang ay matigil na ito...sa pamamagitan niya.

Tinanggal niya ang kamay ni April sa pagkaka-akbay sa kanya at itinulak ito ng kaunti. Akmang aangal ito ng isenyas niya ang kamay niya para pigilan ito sa paglapit.

"Sasagot ako, April. Huwag kang mag alala." Seryosong turan ni Alana dito.

"Good to hear. Go on, tell them about yourself... in English."

Tinanggal niya ang cap na suot at inayos ng mga daliri ang pagkakahamis ng kanyang buhok. Tinanggal niya rin ang nerdy glasses niya.

Maraming napa- "wow", "ang ganda naman pala niya", "beautiful", "pretty" sa mga press na nasa harap nila.

"I hate to do this but I think what you're doing is far beyond ethical, April. I respected you and thus I don't want to embarass you in public but you leave me with no choice because that's what you're about to do to me." Baling niya kay April na ngayon ay napanganga na.

"Okay, guys. This is the first and the only interview i'm going to permit since you're all curious about my identity. I've heard your questions earlier so let me answer you straight for once." Sabi ni Alana habang nakaharap sa mga press.

Nagsikislapan na naman ang mga camera at nakatapat sa kanya ang mga recorder at mikropono.

Nacoconscious si Alana pero hindi na siya binigyan pa ng choice ni April. Nakalimutan niya na rin ang about kay Mr. Stermon dahil sa inis sa babae. Nakalimutan niya na nagtatago nga pala siya. At nakalimutan na niyang nagsesekreto pala siya kay Rio.

"I'm Alana Perey. A chemist by profession. 23 years old. Maybe its better if you'll just google and check about my personal background. I'm not really a PA but I needed to be Rio's PA for the time being for some personal reasons. And yeah, Rio is courting me but i'm still not his girl. Rio and I are NOT YET in a relationship. That's all I can say for now. Thank you for your time. Good evening."

Agad na tumalikod si Alana sa mga nakanganga at naistatwa yatang mga reporter, lalo na si April na halos pasukan na ng langaw ang malaking bunganga. Hinila niya si Rio at lumabas na sila ng restaurant.

Imperfectly PerfectWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu