CHAPTER TEN: MEET VINCENT

837 19 6

SORRY SA LATE UPDATE! HAHAHA! MUKHANG ETO NA YATA ANG HULI MUNA AT HIATUS AKO ULIT  DAHIL MAGPAPASUKAN NA! HECTIC ANG SCHEDULES AND SUBJECTS! UWAAH! KONTING PUSH NA LANG AT GAGRADUATE NA AKO! T___T <3

ANYWAY! CHAPTER TEN! READ VOTE AND COMMENT! :*

-----------------------------------------

CHAPTER TEN

"Ten. Nine. Eight. Seven.." 

Kanina pa binibilang ni Zabelle ang oras sa kanyang relo. She's expecting a visitor. A very important visitor. 

"Hoy babaita, problema mo? Daig mo pa ang gusto magpunta sa CR. Masakit ba tiyan mo?" wika ni Zandra sa kanya. Binigyan ko siya ng death glare at ganun din ang ginawa niya. Napabuntong hininga na lamang siya sa pagsuko sa pangungulit ng kaibigan niya.

"Hi!" wika ng isang familliar na boses. Sabay kaming napalingon ni Zandra sa bumati. My eyes went wide na parang nakakita ng multo, pero natutuwa naman ako sa nakita ko.

"VINCENT!" ganting bati ko sa lalaking bumati kanina. I jumped at him and hugged him. Para akong batang nagpakarga sa tatay niya. Napalingon sa kanila ang halos lahat ng staff ng studio. Eh paano ba kasi agaw eksena ang ginawa ko. HEHE!

"Hi Vincent. So... You're back. What brings you here?" agad na usisa ni Zandra kay Vincent. Ibinaba na ako ni Vincent at ngitian bago lumingon kay Zandra.

"Well... I have business here in the Philippines. And I'm visiting my Lola Lavinia, remember her?"tanong nito. Tumango lang si Zandra kay Vincent.

"Good. And binibisita ko na din si Zabelle." pahabol ni Vincent. May kung anong konting kilig ang naramdaman ko sa kababata ko. Well, hello! Ang tagal kaya niyang nawala saka crush ko siya dati eh.

"Wow! Talaga? Binibisita mo ako Vince?" sabat niya sa dalawa. She saw how Zandra rolled her eyes nang magsalita ako. Binelatan ko na lang siya at papungay pungay na humarap kay Vincent.

Hindi napansin ni Zabelle ang paglapit ng kani-kanilang mga "LALAKI". Napatigil lang siya sa pagpapacute ng may magsalita na.

"Vince?!" tanong ni Drew.

"Hey dude! How are you? Bakit ka nandito?" walang kamalay malay na tanong ni Vincent kay Drew. 

'Oh oh. Mukhang magkakilala talaga sila.' aniya sa kanyang isipan.

"Ako dapat ang magtatanong niyan Vince, what are you doing here?" naguguluhang tanong ni Drew.

"Well, I invited him." wika ni Zabelle. Napatingin naman sa akin si Drew at Vincent.

"She's right. Well... Sort of, balak ko talaga na puntahan siya dito to surprise her pero ininvite niya ako so here I am. Magkakilala pala kayo?" may ngiti pa rin sa mukha nito ng sinasabi niya iyon.

"Yeah. She's my Fiancee." may diin sa pagkakabigkas ni Drew sa salitang Fiancee.

"What?!" halatang gulantang si Vincent sa sinabi ni Drew.

"Well, Zabelle, bakit hindi mo nasabi sa kanya babe?" wika ni Drew at lumapit sa kanya.

 "Babe mo mukha mo. Tapos na ang one day cease fire natin, Andrew. Kaya don't act na bating bati na tayo. " pagtataray nito kay Drew.

"Well. Hindi pa pala kayo ni Zabelle. So I still have the chance, Zabelle?" wika ulit ni Vincent. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Zabelle.

"Yeah. Definitely Vincent." wika nito at lumapit kay VInce.

Drew grabbed her arms and drew her away from Vincent. Pero bago man siya ilayo ni Drew ay nahawakan na din ni Vincent ang kabilang braso niya. Para tuloy silang nagta-tug of war.

"Let her go." maotoridad na utos ni Drew kay Vincent.

"What if I don't want to let her go." ganting sagot naman ni Vincent kay Drew. Para tuloy may kung anong kuryente ang lumalabas sa mata ng dalawa dahil sa talim ng pagkakatitig ng mga ito.

"LET.MY. FIANCEE'S ARM.GO." may pagkakadiing ani Drew kay Vincent. Both of them don't wanna let my arm go hanggang sa nagkahilahan na sila.

"MGA PUNYETA! PWEDE BANG BITIWAN NIYO AKO!" inis na bulyaw ko sa dalawa.

"ANO TO? TUG OF WAR?! ANO AKO LUBID?! MGA SIRA PALA KOKOTE NIYO EH! BAHALA NA NGA KAYO DIYAN!" inis na wika ni Zabelle sabay alis sa harap ng dalawa. Naririnig niya pa ang pagtatalo ng dalawa kung sino daw ang may kasalanan sa dalawa. Pero di pa rin nagpaawat si Drew kaya binuhat na siya nito paalis ng arena.

**DREW'S POV**

DAMN! I hate that when Zabelle's talking with other man! Damn it! Can't she just see me?!

"What the hell are you doing Zabelle? Are you trying to make me jealous? Well It's definitely working! Fuck! You know I hate when you are talking with other men! Gusto ko ako lang! ANo ba?!" patuloy ako sa paglalakad---pagkakaladkad kay Zabelle hanggang sa hinatak ko siya paharap at ikinulong ang mga palad ko sa mga mukha niya.

"Look at me! Damn! Why are you doing this Zabelle?!" pasigaw na wika ko sa kanya.

"I'm not doing anything! He's a good firend of mine! Ano bang masama doon!" sigaw rin nito sa kanya.

"Hindi ka naman siguro tanga para di mo mapansin ang pagtingin niya sa iyo! May gusto sa iyo si Vince! He likes you!" bulyaw ko.

"I can't believe it. Sinabihan mo ako ng tanga?"

"I didn't mean to..."

Fuck! Mali ang pagkakaintindi niya!

"Well. I don't care kung may gusto siya sa akin.Tandaan mong kapag naikasal na tayo hanggang papel lang ang gagampanan ko . Let me go!" sigaw nito sa akin at nagpumiglas na.Hinabol ko siya at niyakap mula sa likuran.

"Let me go!" sigaw nito.

"I'm sorry." hinging paumanhin ko sa kanya.

"I don't need your sorry. Let me go. Bago kita balian ng buto." babala nito.

Sinunod ko na siya. I know na gagawin niya iyon. I know her.

"From now on. Hindi ka na pwedeng bumisita sa akin. Bye." huling wika nito at umalis na.

You are so not a lucky guy, Drew

----------------------------------

SHORT!

MAY KASUNOD PA ITO! DOn'T WORRY! :D <3

-BSN

The Triumvirate Racers (Book 2): Yzzabelle ClayworthBasahin ang storyang ito ng LIBRE!