Kabanata 13

829K 22.6K 46.6K

[Kabanata 13]


Parang biglang napawi ang lahat ng stress ko dahil sobrang ganda ng paligid. Nandito pa din kami ni Leandro sa lupain ng mga rosas at naglakad-lakad kami.

Pinagmasdan ko si Leandro nung hindi siya nakatingin sa'kin. bigla tuloy akong napaisip na ang swerte naman ni Carmelita, may lalaking sobrang mahal na mahal siya... pero bakit kaya mas pinili pa din niya si Juanito?

Napansin kong biglang umaliwalas yung mukha ni Leandro, mas pogi pala siya kapag nakangiti. nangingibabaw talaga sa pamilya Flores ang dugong Espansyol nila. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Oh shocks!

Nahalata naman ni Leandro na nagulat ako kaya binitawan din niya ang kamay ko. "P-patawad, hindi ko sinasadya" tugon niya, Gosh! Akala niya siguro porket pinatawad ko na siya----kami na ulit?

Hindi pwede! Hindi ibig sabihin pinatawad ko siya in behalf of Carmelita, eh pati ako masasali sa love story nila. Omygash!

Carmela! Bakit di mo ba naisip na mas lalong aasa si Leandro. Oh noes!

At wala rin akong magagawa, pansamantalang Carmelita ako ngayon----Tama! Kung magtatagumpay ako sa misyon ko, hindi ko na sila poproblemahin pa kasi makakabalik na ko sa panahon ko. Tama! Tama! Tama! Think positive Carmela! You can do this!

Oh diba! Nagkaroon pa ng happy ending si Juanito at Helena at may bonus pa may happy ending din si Carmelita at Leandro. Everybody happy!

"Ayos lang... pero Leandro, ayoko na sana ng gulo, magagalit sina ama at ina kapag nalaman nilang nagkikipagkita ako sa ibang lalaki, kaya-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi inunahan na niya ako.

"Malapit ang pamilya namin sa pamilya niyo, matagal na tayong magkaibigan iyon ang pagkakaalam nila, hihingiin ko na sana ang kamay mo sa iyong ama at ina ngunit nagalit ka sa akin nang malaman mo na aalis ako" tugon niya, Grabe! Kung di lang siguro nag-inarte si Carmelita edi sila pa din ngayon ni Leandro at hindi na masasali pa sa eksena si Juanito at hindi sila mamamatay at higit sa lahat hindi rin sana ako nadamay at napunta pa sa panahong to.

Haaays. Go away stress!

"Ngunit wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat upang magkabalikan tayo" habol pa niya. Gosh! Ang awkward. Di ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako, yung ngiting halatang pilit lang.

Bakit ba direct to the point magtapat ng pag-ibig ang mga tao sa panahong to? Sabagay, Mas better naman yun kesa naman paligoy-ligoy pa pero... ang awkward kasi talaga ughh...

Nagulat ako nang biglang pinitas ni Leandro yung white rose sa tabi niya, tinanggalan niya muna ng tinik iyon at binigay sa'kin.

"M-maraming salamat" yun na lang yung sinabi ko, ngumiti naman siya. at nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. "Kung hindi ka nagalit sa akin bago ako umalis, balak kong padalhan ka ng puting rosas araw-araw" sabi pa niya. sus! Imposible namang makapagpadala ng flowers araw-araw. pfft...

Teka----shocks! So ibig sabihin mahilig sa white roses si Carmelita.

Mukhang alam ko na kung paano ko malalaman ang mga hilig at buhay ni Carmelita haha!

"Uh---Leandro, kilalang-kilala mo ba talaga ako?" tanong ko sa kaniya, mas napangiti tuloy siya, at least nagsalita na ako, kanina pa kasi siya nagdadaldal.

"Oo naman mahal----Uh Carmelita, sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao alam na alam mo ang mga bagay tungkol sa kaniya" pagmamalaki niya pa. Aba! Pa-quote-quote pa ah.

"Sige nga, Anong paborito kong ulam?"
"Pinakbet" sagot niya. shocks! Seryoso? Di nga ako nakain ng gulay eh huhu. Vegetarian ata si Carmelita. Gosh!

I Love You since 1892 (Published under ABSCBN Publishing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!