Kabanata 12

2.1M 52.7K 28.3K
                                    

[Kabanata 12]

TININGNAN ko mula ulo hanggang paa si Leandro. Ang taas din pala ng standards at ang galing pumili ni Carmelita.

"Bakit hindi namin inaasahan ang iyong pagbabalik?" nakangiting tanong ni Maria. Mukhang close din sila ni Leandro. Naalala ko na pinagtatakpan din nina Maria at Josefina si Carmelita tungkol sa relasyon nito kay Leandro.

"Sa isang taon pa sana ako magbabalik, ngunit nakarating sa akin ang masamang balita na..." tumingin sa akin si Leandro, may lungkot sa mga mata niya. Balak ko sanang "Na ikakasal na ang aking mahal."  Napalunok ako. 

Ngumiti si Maria. Mukang shipper siya ng Carmelita-Leandro love team. Magsasalita sana siya pero dumating si Natasha. Tumingin sa'kin si Natasha na para bang sinasabi niya na oras na para malaman ni Leandro ang lahat. Inaya na niya kami bumaba sa kusina. Nainip na ata siya kakahintay o gusto niya lang makita mismo na nagkita na kami ng kapatid niya. 

Hindi ako makapag-focus habang nagluluto kami at lagi akong nagkakamali dahil nakatayo si Leandro sa pintuan ng kusina at tinititigan niya ako. Pakiramdam ko tuloy may evaluator kami ngayon.

"Maraming salamat sa iyong oras." Paalam ni Maria kay Natasha. Oras na ng tanghalian. Nagdahilan si Maria na may naghihintay sa amin sa bahay kaya kailangan na namin umuwi. Alam kong ayaw niya rin makasalo sa pagkain si Natasha. Pasakay na kami ng kalesa nang humabol si Leandro. 

"Walang anuman. Bukas ang aming tahanan kung sakali nais niyo muling matuto ng iba pang putahe." Ngiti ni Natasha. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya. 

"Ihahatid ko na kayo mga Binibini." Saad ni Leandro habang nakatingin sa'kin.

"Huwag na..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinagi ako ni Maria.

"Maraming salamat, Ginoong Leandro. Nais ka rin naming makausap." Ngiti ni Maria saka inayang sumakay si Leandro sa kalesa namin. Nakaupo siya ngayon sa tapat namin.

Nagsimula silang magkwentuhan. Ikinuwento ni Leandro ang mga pagsasanay at lugar na napuntahan niya sa Cuba. Hindi pa kami nakakalayo nang ipatigil ni Maria ang kalesa.

"Mauuna na ako, Carmelita. Ako na ang bahalang magpaalam kina ama at ina para sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Maria. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan at kakalagpas lang namin sa hacienda Flores. 

"Ha? Bakit 'di ako kasama?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti si Maria at binigyan niya ako ng go-bes-you-can-do-it-look.

Naintindihan agad ni Leandro ang gustong mangyari ni Maria. Magsasalita pa sana ako pero tuloy-tuloy na sa pasasalita si Maria at pinaiwan niya pa ang isa naming tagapagsilbi. Bumaba na si Leandro sa kalesa. Ayoko pa sanang bumaba kaso pinagtutulakan na ako ni Maria. Napatingin ako kay Leandro na ngayon ay naghihintay. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na lang. 

"Ginoo, ihatid mo ang aking kapatid bago magtakipsilim." Bilin ni Maria kay Leandro. Tumango at nagbigay-galang si Leandro. Sinundan namin ng tingin ang kalesa hanggang sa makalayo ito. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni Maria. 

Napatingin ako kay Leandro. Nakatayo kami sa gitnang kalsada. Puro palayan ang nasa paligid. Mabuti na lang dahil umaga pa kaya less awkward.

Nagulat ako nang subukang hawakan ni Leandro ang kamay ko. Agad kong inilagay sa likuran ang dalawang kamay ko. Malay ko kung gaano sila ka-clingy ni Carmelita sa isa't isa. 

"Paumanhin. Aking nakaligtaan na ikaw'y may poot pa sa akin." Saad niya saka napayuko. Oh, so galit nga si Carmelita sa ex-boyfriend niya.

Wala akong karapatan magalit sa lalaking nasa harapan ko ngayon kasi hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako dapat magalit sa kaniya. Bukod doon, hindi naman ako si Carmelita.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon