May plano sana akong magbihis pagkasettle namin sa mga rooms pero agad agad din kaming tumawag kasi magsisimula na daw ang activities. Pero mabuti na lang, nakuha ko pang kunin ang jacket ko na sa awa ng Diyos ay ang nipis.

Then nagsimula na ang team building namin. Sa pink team ako nasali pero hindi ako nakikisali. Parang amazing race ang kinalabasan ng mga games at na assign ako sa game 6 na hindi ko alam kung ano. Pero nag enjoy ako sa game. In fact nawala ang lamig na nararamdaman ko dahil sa patakbo takbo kung saan saan para maghanap ng clue.

“Roadblock.” Basa ng kasamahan ko sa clue. And it turned out na pipili ako kung isosolve ko ang sudoku puzzle of mag mamudslide ako. A part of me wanted to solve the sudoku puzzle dahil ayaw kong maputikan pero ilang buwan naman kaya ang lilipas bago ako makatapos? Hindi ko pa naman hilig magsolve ng mga ganun.

“Sige mudslide.” Pikit matang sabi ko. They all cheered at me at wala na akong nagawa kundi ang mag mudslide. Nabulabog ata ang lahat ng hayop sa bundok na yun nung tumili ako habang nagsaslide. Pinikit ko ang mga mata ko at nanalangin na sana hindi mukha ko ang maunang tumama. And then I felt the cold liquid hit my buttocks and the icy water enveloped me. Hindi pala pure mud ang aabutan ko kundi tubig na nilagyan lang ng putik. At ang pakiramdam ko ngayon para akong nagswimming sa pinagbanlawan ng yelo. Ang lamig. Gusto ko nang magmura ng dahil sa lamig.

Then I looked at my teammates and they are all cheering and looking at the next clue. Wala man lang kahit isa ang tumulong sa akin.

“Magpapakamatay ka ng dahil sa Amazing race?” Napatingin ako sa nagsalita. And there I saw Gabriel looking at me. At nakita ko ang galit sa mga mata niya. 

“Hindi ah! Nagpapakabasa lang.” Sabi ko sabay flipped ng wet hair ko. Tae ang lamig. Pero tumayo pa din ako at tiningnan ang puti kong shirt na ngayon ay kulay putik na. Aaahhh! Ba’t ko di naisip na mahirap pala labhan to?

“Ano ang ginagawa mo dito?” Paismid kong tanong. AT nagawa ko pa talagang umismid kahit na nanginginig ang tuhod ko sa lamig. Pero naman kasi, isang linggo siyang nawala tapos ngayon bigla siyang susulpot at inoras pa talaga niya sa panahon na mukha akong basang sisiw literally.

“Nanonood ng mga suicidal…”

“Hindi nga ako suicidal..ahhhh” At nadulas ako bago ako makaakyat sa mud pit. Pero hindi ako bumalik sa putik na pinanggalingan ko dahil hinawakan niya ako. Kung pelikula ito ang term dapat ay ‘iniahon niya ako sa putik na kinasasadlakan ko’. Nangunyapit naman ako sa braso niya na nakahawak sa braso ko kasi ayaw ko ng bumalik sa putik hanggang nga sa nakaahon na ako. Pero pagkaahon ko, tsaka ako nagsisi. Dahil doon ko naramdaman ang sobrang lamig na mas gugustuhin ko pang magtampisaw ulit sa putik.

“Ba-ba-ba-balik n….na lll…lang a..a..ako sa pu..tik.” Tapos akma akong tatalon ulit pero pinigilan niya ako.

“Mira ano ba!” tapos hinila na niya ako palapit sa kanya.

“Ang la—whew! Ang lamig kasi.” Pinilit kong maging straight ang pagsasalita ko at hindi madala ng pangangatal ng ngipin ko. Shit! Kung alam ko lang na ganito kalamig di ako nagprisintang mag mudslide. Magso-soduko ako kahit abutin ako ng taon.

“Bakit ka ba kasi tumalon? At bakit ganyan ang damit mo alam mo naman na Tagaytay ang pupuntahan at hindi beach?” Tapos tumingin siya sa maputik kong shirt at short tapos napangiwi.

“Malay ko bang ganito kalamig dito? Na hindi effective ang Global warming sa lugar na to?” I hugged myself tighter as if that could somehow ease up the cold that I am feeling pero nagulat ako nung may bumalot bigla sa akin ng tuyong damit. Shit! Tuyong damit!  It feels like heaven.

Napatingin ako kay Gab at nakita kong naka t-shirt na lang siya at nasa akin na ang jacket niya. At walang sabi sabi na hinila niya ako palapit sa kanya at inakay papunta sa accommodation namin habang yakap yakap niya ako.

“Ano na lang ang mangyayari sa’yo kung wala ako? Maghahypothermia?”  Talak pa niya habang akay akay ako.

“may tutulong naman siguro sa akin kung di ka dumating. Ang ganda ko kaya!” AT saka hindi lang naman siya ang nag iisang admirer ko sa office. Nagkataon lang na naunahan niya ang mga ito. Pero nagtataka talaga ako na walang sumaklolo agad sa akin kanina samantalang dati naman, nag uunahan pa ang mga guys.

“They won’t.” Sabi pa niya kaya napatingin ako sa kanya kasi sa klase ng pagkasabi niya, parang siguradong sigurado na siya na wala talagang tutulong sa akin.

“At bakit?” Nagdududang tanong ko.

“Dahil busy ang lahat sa laro.” Kahit na. Pero naisip ko na may point siya.

“O sige, pero hidni ibig sabihin na tinutulungan mo ako ngayon ay bati na tayo ha. Hindi pa tayo bati kahit utang ko sayo ang pagsalba sa muntik nang pagkafreeze ng matris ko.” Mataray pa ding sabi ko. May guts na akong magtaray kasi nakakarecover na ako sa lamig dahil sa jacket niya at sa yakap niya.

Hindi kaagad siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya and I saw him smile pero nung nakita niyang nakatingin ako, agad naman niyang inalis ang ngiting yun.

“Oo ba!” Seryosong sabi niya.

“Buti naman.”

“Pero dahil nga sa sinalba ko ang matris mo, kailangan mong makipag usap sa akin mamaya. Yung hindi ka nagtataray, yung hindi mo ako sinisigawan, yung matinong pag uusap Mira.” Napanganga ako and I saw how serious he is.

“Eeehhh..” Yun na lang ang nasabi ko at kahit yun lang, unti unti nang umaahon ang kaba sa dibdib ko.

“Bakit?” Para tuloy bigla na lang bumalik ang lamig na nararamdaman ko.

“Para sa kapakanan ng matris mo.” Seryoso pa ding sabi niya.    

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon