"Ah, eh." Ang tanging naisagot ni Alana. Gusto niyang batukan ang sarili. Kung bakit ba kasi hindi siya masanay-sanay na tawagin itong Rio.

"She knew your name because I told her that." Kapwa napalingon ang dalawa sa nagsasalita.

"Joshua!" Agad na lumapit si Alana dito at niyakap siya. "Your just on time. Thank you." Bulong niya rito.

"I miss you, Dana. How are you my friend?" He tapped her head.

"Okay naman ako, Josh. Inaaway ako ni Kuya." Sumbong niya rito.

"Tss! Stop that. Halika rito. Huwag kang nagdididikit diyan kay Josh." Agad siya nitong hinila mula sa pagkakayakap sa lalaki.

"Ha-hug lang sa iba pa. Sa akin nalang sana." Bulong nito.

"May sinasabi ka, Kuya?"

"Wala!" Inirapan lang siya nito bago bumaling sa kabanda. "Bakit ka napasunod dito, Josh? 'Di ba dapat sa saturday ng umaga pa ang punta ninyo rito?"

"Eh namiss ko kasi itong bago kong kaibigan. Makikipagkwentuhan sana ako sa kanya kaya nagpunta ako sa bahay ninyo kanina. Eh sabi ni Manang nauna na raw kayo rito eh. Kaya sumunod nalang din ako. Boring sa bahay eh." Paliwanag nito sabay kindat kay Alana.

Alam ni Alana na hindi lamang simpleng kindat iyon. May gusto talagang sabihin sa kanya si Josh kaya maaga siya nitong pinuntahan sa bahay ni Ralph. She can't wait what he is about to say. Bigla kasi siyang kinabahan.

"Tss! Asungot! Huwag ka ngang nagkikikindat dito sa PA ko. Sabihin pa nila may sira mata mo. Ang gwapo mo sana kirat ka naman."

Natawa nalang si Josh at binitbit ang mga gamit. "Saan ang punta ninyo? Pwede bang sumama? Ipapasok ko lang sa kwarto ko itong mga gamit ko."

"Mag aunderground river daw kami, Josh. Sama ka. Akin na iyang bag mo. Tutulungan na kitang magpasok niyan sa kwarto mo. Kuya, saglit lang ha? Tutulungan ko lang si Josh. Isama natin sa pamamasyal. Masaya kasi kapag marami." She grabbed her backpack at nagpatiuna na sa paglalakad.

"Dana! Hoy! Hindi mo obligasyong tulungan 'yan!" Sigaw ni Rio dito. "Nasaan ba kasi ang PA mo ha, Josh?"

Natawa nalang si Josh sa reaction ni Rio. Para itong batang inagawan ng laruan kung magmaktol.

"Nasa Manila pa. Eh nagmadali kasi akong sumunod sa inyo dito. Sinabihan ko na si Jim na isabay nalang siya pagpunta nila dito sa sabado. Akyat muna ako, bro." Sumunod na si Josh kay Alana na kanina pa naghihintay sa kanya sa may elevator.

Naupo na lamang sa couch ang inis na inis na si Rio. "Kung bakit pa kasi susunod-sunod dito. Tss!"

***
"Josh? May sasabihin ka? May problema ba? May nakakaalam na ba kung nasaan ako? May umaaligid na ba sa bahay ni Ralph?" Sunod-sunod na tanong ni Alana ng makapasok na sila ni Josh sa elevator.

"Alana, relax. Wala pa. I just found out na magkakilala pala kayo ni Caevhen."

Nanlaki ang mga mata ni Alana pagkarinig kay Josh sa pangalan ng nobyo.

"Bakit? Pinuntahan ka ba niya? Paano niya nalaman na alam mo kung nasaan ako? Gosh! Baka puntahan niya ako sa bahay ni Ralph. Baka masundan siya ng mga tauhan ni Mr. Stermon. Sigurado akong lahat ng malalapit sa akin binabantayan nila ngayon." Nagpapanic na sabi ni Alana.

"That's what I think of, too. Sa kamalas-malasan kasi ay iyong sinasabi kong hihingan ko ng tulong para sa'yo ay mismong si Caevhen na pinsan ko na boyfriend mo pala. So imbis na sabihin sa kanya ang totoong problema at ang kinaroroonan mo... I lied. I told him na tinawagan ako ng mommy mo dahil close tayo noon at classmate kita. Sinabi kong hinahanap ka rin nila sa akin at magpapatulong sana ako sa kanya sa paghahanap sa'yo."

Nakahinga ng maluwag si Alana. "Hay salamat at iyon lang naman pala. At mabuti nalang din hindi mo sinabi kay Caevhen ang totoo."

"Yeah. Siguro magsistay muna tayo dito for a week or two habang nag iisip pa ako kung sino ang pwedeng makatulong sa'yo sa problema mong ito. Dilikado kung sa Maynila ka magtatago dahil sigurado akong maraming ipinakalat sa paligid ang Mr. Monster na iyon para maghanap sa'yo. Nirequest ko na sa manager namin na huwag munang tatanggap ng gigs and shows sa Manila para sa amin. As much as possible puro out of town shows lang muna hangga't hindi pa nareresolba ito."

"Salamat, Josh. Salamat talaga sa tulong. I really don't know what to do kung wala ka." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Alana kay Josh habang hawak ang kanang kamay nito.

"Don't mention it, Alana. We're old friends. Tama lang naman sigurong protektahan kita at tulungan. Hmmm. Maiba tayo? Kamusta kayo ni Rio? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah. May namumuo na bang loveteam dito?"

Ang mga titig ni Josh kay Alana ay isa lang ang ipinapahiwatig. Hindi panunudyo kundi pagseselos at pagkainggit.

"Loveteam? Wala no. PA lang ako ni Ralph. Nothing more than that."

"That's not what i'm seeing in you. Your eyes is telling me na may tinatago kang lihim na pagtingin sa kanya. Tama ako, hindi ba?"

"Hmmm. Wala, Josh. Kung meron man, I should stop it bago pa lumalim. May boyfriend ako, si Caevhen, na pinsan mo pa. Bago pa lang kami pero hindi ko ugali ang pagto-two-time. Pinili ko siya at paninindigan ko ang desisyon ko na iyon." Seryosong turan ni Alana na ikinangiti ni Josh.

"Good! Then let me be your shield from Ralph's temptation." Sabi nito sabay akbay sa kanya.

"Huh?"

"Hayaan mong ako ang maging guardian angel mo para hindi ka matukso kay Ralph, Alana. Sigurado naman akong hindi ako mafafall sa'yo eh."

"Kailangan pa ba 'yon? Kaya ko namang gwardiyahan ang puso ko eh. At bakit sigurado kang hindi ka mafafall sa akin?" Takang tanong ni Alana sa nakangiting si Josh.

"Of course. Kailangan kasi alam kong hindi mo kayang 'wag mahulog kay Ralph. Nakikita ko na iyon ngayon. And I won't fall for you because..."

"Because what? Pabitin ka naman eh. Ano? Are you in a relationship? Or do you think you are too young to fall inlove? Goodness, Josh. We're twenty th..."

"I'm gay." Bulalas ni Joshua kahit hindi pa tapos ang sinasabi ni Alana.

"Three. What?!" Gulat na tanong ni Alana. Hindi siya makapaniwala. Si Josh? Bakla?

"Yes. I'm gay. So you can trust that I won't fall for you. Just let me be your shield away from Ralph's temptation. Please."

Imperfectly PerfectOnde histórias criam vida. Descubra agora