CPMGP_Chapter 30

70.4K 2.4K 31
                                    

DAZU'S POV

Nandito ako ngayon sa Asia Academy dahil hinamon ko si Ross mag-isa, pero hindi ko sukat akalaing isa siyang napakalaking duwag dahil isinama niya ang mga kaibigan niya. Ang usapan ay kaming dalawa lang pero hindi siya tumupad sa usapan namin. Seryoso ko lang silang tinitignan ngayon.



"Woah! Totoo nga 'yong sinabi mo Ross. Ang Prinsipe sa kabilang Campus naandito sa teretoryo natin ngayon." Mga nakangisi rin nila akong pinagmamasdan ngayon.



"Matapang. Mag-isa lang sumusugod." Nagtawanan sila.



"Sa tingin mo mananalo ka sa akin ha, Dazu?" Mayabang na sabi ni Ross sa akin.



"Isa kang malaking duwag." Mabilis kong sagot. Nananatili ko siyang tinitignan ngayon.



"'Wag mo akong subukan. Bakit ba kasi ayaw mo nalang tanggapin na hindi ka na mahal ni Claire?"



"Dahil inagaw mo siya sa akin."



"Hanggang ngayon ba ayon pa rin 'yong pinaniniwalaan mo?" Muli siyang tumawa.



"Simulan na natin dahil gustong gusto ko nang wasakin ang pagmumukha mo." Niyukom ko ang kamao ko.



"Bakit sa tingin mo ba mananalo ka sa akin?" Napangisi siya.



"Tss, oras na manalo ako, lalayuan mo na si Claire. Get me?"



"Hinding hindi mangyayari 'yon." Sumenyas na siya na pagpulungan ako ng mga kaibigan niya kaya pinalilibutan na ako ngayon ng apat niyang mga kaibigan. Pero siya nananatili lang na nakatingin sa amin.








SHIMI'S POV

Nakatingin lang ako ngayon rito sa tapat ng gate ng Asia Academy at pinagmamasdan 'yong kabuuan ng eskuwelahan habang sina Jamaica, Ayesha at Alex papasok na sa loob.



"Uy Shimi? Halika na."



"Tara na, kasama mo naman kami."



"Oo nga. Kaya halika na Shimi." Hinila nila akong tatlo.



Hindi ko maiwasang hindi ilibot 'yong mga mata ko sa kapaligiran. Nakakainis lang kasi dahil naaalala ko 'yong mga araw na kami pa ni Ross noon.



Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob maya-maya lang ay bigla nang nagbell. Ibig sabihin no'n, class dismiss na nila.



"Doon tayo." Turo ni Jamaica.



Paakyat na kami ngayon sa thirdfloor. Pero ang nakakainis lang do'n dahil uwian na nga pinagtitinginan kami ng dati naming mga ka-schoolmate. Nagbubulungan sila habang mga nakatingin sa amin. Pero napahinto kami nang biglang huminto si Jamaica dahil siya iyong nasa unahan namin.



"Puwede ba! Tumabi nga kayo sa daraanan namin!" Sigaw niya sa mga estudyante sabay irap ng mga mata.



Sinundan naman 'yon ni Akex. "Ano! Gusto n'yo bang tusukin ko 'yang mga mata n'yo, ha? Magsiuwi na nga kayo!" Anas niya. MEAN? Oo, ganyan sila dati rito sa Asia Academy— kami ang mga Reyna. At kung hindi lang sana ako trinaydor ni Claire nandito pa rin sana kami hanggang ngayon.



"Shimi? Alex, Jamaica, Ayesha?"



Pero nang may bumigkas sa mga pangalan namin nilingon ng mga Best friend ko 'yon pero ako nananatili lang akong nakatalikod. Boses kasi ni Claire 'yon kaya ako naman ngayon 'yong nawala sa wisyo. Kumunot ang noo ko.



"Shimi..." Sambit niya ulit sa pangalan ko sabay hawak sa braso ko pero nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya dahil ayoko siyang makita. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at agad pinigilan ang galit ko.



"Bitiwan mo ako. Walang maruming tao ang dapat bumigkas sa pangalan ko. Umalis na tayo rito." Hinawi ko ang kamay ako matapos kong sabihin 'yon. Tuluyan na akong naglakad palayo.



Sinundan ako ng mga kaibigan ko pero bago sila umalis do'n nahagip pa ng mga mata ko na binigyan nila ng masasamang pagtitig si Claire kasama ng mga bago niyang mga kaibigan.



In front of faculty...



Tahimik lang ako habang naghihintay kami sa labas nang maisipan kong magcr muna. "CR lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila upang makapaglabas ng galit sa ibang bagay. Ayoko kasing ipakita 'yon sa mga kaibigan ko.



"Shimi, sasamahan kana namin." Sabi ni Ayesha pero umiling agad ako.



"Hindi na." Tinalikuran ko na sila at mabilis na naglakad palayo.










DAZU'S POV

Hingal akong napahinto sa pakikipaglaban ngayon sa mga kaibigan ni Ross. At kahit pa may dugo ng umaagos sa ulunan ko nanatili pa rin akong nakatayo sa harapan nila.



"Matibay ka talaga." Bigkas ng isa sa mga kaibigan ni Ross habang si Ross nanatiling nakatayo sa isang sulok at pinagmamasdan lang akong lumalaban sa mga kaibigan niya.



"Hindi... ako susuko..." Hingal kong sambit.



"Sugurin n'yo pa!" Muling utos ni Ross. Nakakainis lang dahil ang usapan one on one kaming dalawa pero hindi siya nakikipaglaban sa akin kundi 'yong mga kaibigan niya lang. Napakalaki niya talagang duwag.



"Yaaaah!" Sinugod nga ulit nila ako dahil utos 'yon ni Ross habang may mga dala pa silang mga bat. Wala naman akong magawa kundi tuloy pa rin sa pakikipaglaban sa kanila. Hindi ako susuko para kay Claire at 'yon ang ipinunta ko rito.








(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon