xx3: Chelle

[ADRIAN's PoV]

A slender forefinger gently tracing my nose while I'm asleep..

Then moist lips planting little kisses on my cheek..

Napakatagal na since the last time na nakaramdam ako ng ganito.. na mahal na mahal ako ng babaeng kasama ko.. Mabuti bumalik na sya.. Na-miss ko sya nang sobra..

"Chelle.."

"HUH? Anong CHELLE?"

Napadilat ako at nakita ko ang isang babae nakadapa sa dibdib ko. We're both naked under the blanket at naalala ko. Dinala ko nga pala si Myra dito sa bahay ko kagabi at nangyari na ang gusto naming mangyari.

I just groaned at tinakpan ang mga mata ko.

Nakita ko si Chelle sa panaginip ko.. Sya ang naramdaman kong kasama ko pero.. Bakit sya? Tapos na kami at imposibleng maging kami ulit..

"Uy hon.. Ano yung Chelle na sinabi mo? Pangalan ba yun ng..babae?" tanong pa ni Myra na ayaw ko pansinin. Ayokong isipin si Chelle ngayon.

"Wala yun.." iniwan ko si Myra sa kama at nagbihis na ko.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ulit ni Myra pagkaupo nya.

"Wala.."

"Uhmm.. Hihiwalayan mo na ba ko?"

Napatingin ako sa kanya sa tanong na yun.

"Balita ko kasi, lahat ng ex mo hiniwalayan mo after you slept with them.. Sana lang, hindi yun totoo.."

I smirked at that. "It's true."

I sounded pretty harsh there kaya nagulat sya. Ni hindi na sya kumurap nang marinig ang sinabi ko.

"Magbihis ka na." pinutol ko ang katahimikan namin at lumabas na ko ng kwarto. Nakapagbihis din sya agad at sumunod sakin. Aalis na nga sana sya ng unit ko nang mag-isa pero pinilit kong ihatid sya sa bahay nila gamit ang kotse ko. Nang nandoon na kami, nanatili muna sya sa loob ng kotse at hinarap ako.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!