03

3.5K 137 22
                                    

Freya Saccharine Annalize Arison

•─────• °•❀• °•─────•

Maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na pagtawag ni Carter at paulit-ulit na pagpapaalala ng gagawin naming paglabas mamaya. Damn this man.

I'm currently wearing a Louis Vuitton button front demin dress that emphasizes my skin tone and the curves of my body, and an LV Isola Sandal that my dad bought when he was in Paris. Kumuha rin ako ng isa sa Chanel bag ko para may lalagyan ang mga gamit ko.

Hindi ko na masyadong pinaghandaan ang paglabas namin ni Carter kasi alam ko naman na walang meaning ang lahat nang ito, and it's just a bet after all.

Nang matapos ako sa pag-iintindi ay dahan-dahan akong bumaba ng staircase para hindi magising si Trixie since nasa katabing room lang siya.

"Sacrea..."

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Dez. Dali-dali akong lumapit sa kanya at agad na tinakpan ang bibig niya nang akmang magsasalita na naman siya.

"Shut your mouth, Dez. Baka magising sila," pabulong na sabi ko.

"Bakit ba para kang magnanakaw riyan at bumubulong ka pa?" pabulong din na tanong niya.

"I'm going out with someone at hindi nila to pwedeng malaman, lalo na ni Trixie." Hinigit ko siya palabas ng bahay.

"Wait, ano ba'ng nangyayari?"

Bago pa ako makasagot ay may kotseng pumarada sa harap namin at lumabas mula roon si Carter.

He's wearing a three-fourth black polo shirt, tacked-in inside his black trouser. A rolex watch is perfectly matched his skin tone.

"Did I missed something?" Nakaawang ang bibig na tanong ni Dez habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Hi, I'm Carter Yazan. Nice to meet you...?" He offered his hand at tinanggap naman 'yon ni Dez.

"Dyanna Celeztine Reese Arison Dion, but you can call me Dez. I'm her gorgeous cousin," pakilala ni Dez, and she even flipped her hair!

Nginitian lang siya ni Carter bago inilipat ang tingin sa akin. "Shall we?" he offered his hand. Tinanggap ko 'yon at inalalayan niya ako pababa ng stairs papunta sa kanyang kotse.

Bago ako pumasok sa loob ay muli kong tiningnan si Dez na parang kinikilig sa nakikita niya. "Don't tell anyone about this. Kapag nagtanong si Trixie, ang sabihin mo ay kasama ko si mommy," huling bilin ko bago kami tuluyang umalis.

"Where are we going?"

Lumingon siya saglit sa akin at muling humarap sa kalsada. "Where do you want to go? A fine dining restaurant?"

Saan nga ba magandang pumunta na wala masyadong makakakita sa amin?

Natigilan ako sa pag-iisip nang huminto ang kotse. Pagtingin ko sa labas ay nakita kong naka-park na kami sa harap ng Enchanted Park. What the hell? Iniisip ko pa lang kung saan wala masyadong tao, pero ito naman siya at dinala ako sa kabaliktaran ng gusto ko.

Hindi na ako nakapagsalita nang pagbuksan niya ako ng pinto. Napapakamot-ulo na lang akong bumaba. Really? Of all places ay sa amusement park niya pa ako dinala?

"Bakit dito mo ako dinala? What if may makakita sa atin at malaman ng iba na lumabas tayo?" pabulong kong tanong habang kumukuha kami ng card.

"Stop overreacting, Freya. Ikinakahiya mo ba ako?"

"No! I-it's just that... I don't want them to get the wrong idea about us."

"What about us?"

I was caught offguard. Ano nga bang inaalala ko, e wala namang kami.

Game of Deception (Arison Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon