Prologue

4.3K 116 1
                                        

Freya Saccharine Annalize Arison

•─────• °•❀• °•─────•

"That's it, Sacrea!" sigaw ng photographer at lumuhod pa para makuhanan ako sa tamang angle.

Patagilid akong humiga para nakaharap pa rin ako sa camera. I put my hands on my temple, slightly tilt my head and stretch out my legs to create a pose.

"No! Hindi ganyan, Sac! Itaas mo ang isang binti mo!" muling sigaw ng photographer, dahilan upang bumagsak ang balikat ng mga katulong niya sa photoshoot. Umaandar na naman kasi ang kamanyakan nito lalo na't swimsuit ang suot ko ngayon.

Padabog akong tumayo at masamang tiningnan ang kanina pang nag-aalburutong photographer.

"You know what? Why don't you try to switch jobs with me?" inis na sabi ko habang pinanlalakihan siya ng mga mata. I put my hands on my waist at mataray siyang tiningnan.

Bakas ang inis sa kanyang mukha at akmang magsasalita sana nang pigilan siya ng lalaking may hawak na reflector.

"Boss, tama na. Hindi lang basta model 'yan, si Saccharine Arison ang kausap mo," sabi ng lalaki. Inis kong hinampas ang lamesa kaya naagaw ko uli ang atensyon nila.

"No, actually, it's alright. Ngayon na nakita ko na ang ugali ng team ninyo, I've had enough. I'll quit," sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Karen! Terminate my contract at bayaran mo ang mga dapat bayaran." Kinuha ko ang bag ko at naglakad na paalis.

"Ms. Sacrea!" sigaw ng photographer pero hindi ko siya pinansin. Akmang pipihitin ko na sana ang doorknob nang maramdaman kong nasa tabi ko na siya. "P-please give us another chance." Unti-unti siyang lumuhod sa harap ko, pero bago pa man niya magawa 'yon ay lumabas na ako.

"Ms. Sac, sigurado na po ba kayo rito?" tanong ni Karen, my personal assistant.

Tumigil ako sa paglalakad at naramdaman kong tumigil din siya. Itinaas ko ang kilay ko at dahan-dahan siyang nilingon.

"Kailan ba ako nagdesisyon nang hindi ako sure?" taas-kilay kong tanong sa kanya, dahilan upang mapayuko siya.

"C-concerned lang po ako sa inyo. Magbabayad po kasi kayo ng–"

"Then I'll pay for it. Matagal na akong nagtitiis sa kabastusan ng photographer na 'yon at hindi ko na kayang makita pa ang pagmumukha niya. Kung hindi lang dahil kay mommy, hinding-hindi ako papasok sa company nila at sa industriyang 'to. I don't deserve this," sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Nang makarating ako sa labas ng building ay sumakay ako sa van ko na nag-aabang doon. Sumunod din sa pagsakay si Karen at pinaandar na ito paalis.

"Ms. Sac, gusto raw po kayong makausap ng manager mo," sabi ni Karen. Inabot niya ang cellphone sa akin at kinuha 'yon.

"What?" bored na tanong ko. I heard her breathe in disappointment.

"What were you thinking, Freya Saccharine Annalize?! Alam mo ba kung ano'ng consequences ng ginawa mo?" galit na galit niyang sigaw kaya inilayo ko ang cellphone sa akin.

"I fvcking knew it, Friz. Hindi ako nagdedesisyon nang hindi ko pinag-iisipan, kilala mo ako. He's testing my patience, so I gave him what he deserves," inis kong sagot. "Kung makaasta siya akala mo ay sobrang galing. My shots are even better than his."

"Kailangan mong magtiyaga, Sacrea, ito ang company na gusto ng mommy mo. Alam mo naman na kaibigan niya ang CEO ng modeling company na 'yan," aniya, dahilan upang mapairap ako at binabaan na siya ng tawag.

Ibinalik ko ang phone ni Karen at kinuha ang akin. I browse on facebook hanggang makarating ako sa post ng modeling company kung saan ako nagtatrabaho.

"Sacrea Arison terminated her contract. We are now looking for full time models who are willing to work with us."

This bullsh*t company is getting on my nerves! That's confidential! How dare them to broadcast it without my permission?

"Ms. Sac–"

"Shut up, Karen!" I shouted. Frustrated akong napahawak sa buhok ko at bahagyang hinila 'yon.

What should I do now? Kapag nakarating 'to kay mommy, I'm dead. She'll send me back to Del Barison and I don't want to go back to that place. I hate being with my annoying cousins.

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang kung sino 'yon ay agad bumalot ang kaba sa dibdib ko nang makitang si mommy ang tumatawag.

Nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko 'yon. Hindi pa man bumubuka ang bibig ko nang makarinig ako ng pagkabasag ng bagay sa kabilang linya.

"You're such a disappointment, Saccharine! Nagsisisi ako na naging anak pa kita. Bakit hindi ka gumaya kay Trixie? Look at her now, may narating at may sariling pangalan na kahit kapapasok pa lang niya sa industriyang 'to!" she said with a disappointment in her tone. Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko, pero tumingala ako para hindi mahulog ang mga luhang gusto ng kumawala. "But you...? Two years have passed but your career was just like you, a failure!" My tears gradually escape from the corner of my eye and flowed down to my cheek. I immediately wiped it off.

"Katulad ng pinagkasunduan natin, I order you to go back to Del Barison as soon as possible."

Game of Deception (Arison Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon