Chapter 1- Text

662 20 6

"Triiiiiixxxiiiiaaaaa!!!!!"

Nahulog ako sa kama dahil sa gulat. Litse sino ba yan nambubulabog ng kay aga aga? Bumangon muna ako tapos binuksan yung pintuan ng kwarto ko. Pag bukas ko bumungad agad sakin ang mukha ng isa sa kaibigan ko. Wait, nasabi ko na bang lahat ng mga kaibigan ko ay lalaki? Pwes sinasabi ko na. Oo lalaki lahat ng kaibigan ko. Ewan ko ba pero di naman sa ayaw ko ng mga babae na kaibigan pero masyado kasing mga maarte pag babae. Bale tatlo silang lalaki ako naman ang babae. Parang mga kuya ko na nga sila eh. So, ayun nga isa sa kanila ang nambulabog sa tulog ko sya si Vince De Leon.
Ang piiiiiinaka makulit sa barkada ko. Ano naman kaya problema ng mokong nato?

"Oh? Problema mo?" Tanong ko. Langya tong lalaking to. Pano ba to naka pasok sa bahay namin?.

"Ah.. Hehe.. nagising ba kita?"

"Ay wala vince! Tamang tama o ang aga aga pa!" Sabi ko sabay binatukan sya ng apat na beses

"Araaay!"
"Sakit nun ah" Hinimas himas nya naman yung parte na binatukan ko. Buti lang noh. Ang aga aga eh nambubulabog

"Ano bang problema mo?"

"Papatulong sana ako eh. May gusto kasi ako dun sa classmate mo, baka gusto mo naman akong palakasin?" Dahil sa narinig ko binatukan ko ulit sya. Ano daw?

"Yan lang pala tapos ang aga aga mo pumunta dito? Eto sayo" Binatukan ko sya ulit.

"Aray! Sorry naman. Yang kaklase mo kasi di ako pinatulog!" Babatukan ko sana sya ulit kaso umilag na sya

"Nakakailan ka na ah" Oo nga no? Ngumiti nalang ako sakanya tapos nag peace sign.

"Sino ba yang babaeng yan?" Lumabas na ako sa kwarto ko tapos dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig habang si Vince nakasunod lang sakin

"Si Nicole" Pagbanggit nya ng pangaln ni nicole naibuga ko agad sa mukha nya yung tubig na iniinom ko.

"Sigurado ka? Eh kahit di mo ata yun ligawan papatulan ka nun eh" Grabe vince kung alam mo lang, patay na patay yun sayo.

"Syempre ang gwapo ko ba naman" Sabi nya tapos nag pogi sign pa. Lol.

"Oh sya sige. Pero sigurado ako, di tayo mahihirapan"

"Yan ang gusto ko sayo eh! Sige alis na ko ha? Kita nalang tayo sa monday" lumabas na sya ng Dorm ko  at ako naman naligo na kasi may trabaho pa ako sa pinapasukan kong coffee shop.

---------------------------------------

Nag aabang ako ng mga costumers na pumapasok ngayon para igreet sila. Yan lang naman trabaho ko eh tsaka mag punas ng lamesa. Sa Tita ko rin naman kasi to.

"Good morning Sir, Ma'am have a good meal" bati ko nung may pumasok na costumer

"Thank you sir, Come again" Yan naman ang sinasabi ko pag may lumalabas na.





Hapon na kaya kelangan ko nang umuwi. Nag liligpit ako ng gamit ko ngayon ng may nag text sakin

____________________
From: 0946*******

Hi miss beautiful ;)
__________________


Ano daw? Miss beautiful? Wrong sent ata tong isang to.


__________________
To: 0946*******

Wrong sent dude?
_____________________

Panget ba yung reply ko? Eh sa ayokong mag assume eh. Hinintay ko muna ng Two minutes yung reply nya pero wala na akong natanggap kaya umuwi na ako. See? Wrong sent sya.

Humiga lang ako sa kama habang naka tulala sa pader. Nag tataka kayo kung bakit mag isa lang ako? Ganito kasi yun, Mayaman kami noon, Meron kaming sariling hotel and Restaurant. Pero nung 9 years old sumama ang papa ko sa ibang babae. Naiwan samin ng mama ko yung Hotel at Restaurants pero si mama mahirap syang naka move on kay papa kaya di nya napatakbo ng maayos yung dalawang negosyo namin di nya namamalayan na nalulugi na pala kami. Di ko naman masisisi si mama kasi iniwan kami ng papa. At isa pa yung kapatid kong lalaki namatay dahil sa galit nya kay papa. Pupuntahan nya sana si papa nun sa bahay nila kaso di na umabot yung kapatid ko kasi nadisgrasya yung sinasakyan nyang Van.

Dahil sa pag iisip ko di ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko naman agad yung luha ko

*Beep beep*

Biglang nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag text

______________________
From: 0946*******

Nope. You're Trixia right?

____________________________

Teka eto yung nag text kanina ah. Bat kilala nya ako? Sino ba to?



_______________________
To: 0946*******

Sino ka?
___

From: 0946*******

Secret Admirer ;) Matagal na kitang gusto

____________________

Lol. Patawa to.
Dahil di ko sya kilala inisave ko parin sa phone book ko yung number nya at pinangalanang Stranger. Hahaha bakit ba? Di ko naman to kilala eh.

______________________
To: Stranger

Wee?
__
From: Stranger

Yes. Sana mapansin mo rin ako minsan. I like you very much. I don't know why:(
__
To: Stranger

What's your name?
__
From: Stranger

Can I call?
__
To: Stranger

Ok?
____________________________

So ayun nga, Hinintay ko lang ang tawag nya. Maya maya lang nag ring na yung cellphone ko kaya sinagot ko naman agad yun.

Ehem ehem!

"He.Hello?"
.
.
.
.
Bakit walang nag sasalita? Pipi ba to?

"Ahm... Hello?" Ulit ko

{Hi baby}  Omgee. Nagsitayuan yung mga balahibo ko pagkarinig ko sa boses nya. Ugh. Bakit ang sexy?

"Ah.. so.. Ano.." Piste bakit nauutal ako? Langya.
Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya. Ugh. Ang sexy talaga ng boses nya tapos yung tawa nya. Ugh.


"Pwede ba tayong mag meet?" Hala ano tong sinabi ko? Waaaaahhhh!!!

{Sure. Bukas? Siguro mga 8pm at Luis Bar}

Eto nanaman ang boses nya eh! Parang nang aakit

"Ahm. Si.sige" wala na. No choice eh-,-

{It's already 9 o'clock. Tulog ka na}

"Sige, B.Bye" ayun nga inend ko na yung call. Waaaaahhhh.... kinilig ata ako kasi ang sexy nya mag tagalog tapos Ugh! Di ko alam na may magkakagusto pa ulit sakin!!

So ayun, katulad nga ng sabi nya natulog na ako. Bukas ko nalang kakausapin sila Vince, Earl, At Ryan.
















[Hi! I hope nagustuhan nyo yung story ko. Happy reading guys!😘].

BoyfriendWhere stories live. Discover now