"Parang gusto ko tuloy makilala 'yang girlfriend ni Jahann. Nagiging mapagbigay si Jahann, eh..." sabi naman ni Keij na lumapit kay Jahann at inakbayan ito.

Here we go again. Napailing na lang ako bago itinulak ang cart na hawak namin ni Aly. Hindi ako kumportable kapag ganoon ang usapan nila. Alam kong wala namang may alam ng tungkol sa amin sa kanila maliban kay Kol. Si Enzo, hindi ko rin mawari kung ano ba ang nalalaman pero alam kong lahat sila at clueless sa nangyayari sa amin ni Jahann.

"Sino 'yung magkakasama sa sasakyan?" tanong ni Keij habang kumakain na kami.

"Lagi mo na lang problema 'yan," puna naman ni Aly dito. "Anyway guys, ininvite ko si Iris, ah?" dagdag pa niya. Napatingin ako kay Jahann na nasa tabi ni Kol. I was actually expecting something from Jahann. Na magrereact ito na kasama si Iris pero wala. He's just looking at me.

"As always, Caryl and Kuya Kiro will be together—"

"Kasama si Kevyn, eh..." maagap na putol ni Ate Caryl sa sinasabi ni Keij.

"You'll be with Kevyn? Paano si Kuya Kiro?" tanong ni Keij dito.

Umiling ito. "I'll be with Kiro. Kaya naman na ni Kevyn ang sarili niya," ngumiti ito pagkatapos.

"Pwede naman siyang sumabay sa amin ni Enzo..." sabat ni Lean. Tinignan naman ito ng kakambal nito. May sasabihin pa sana si Enzo pero nagsalita naman agad si Aly.

"Iris will be with us. Isasabay na lang namin siya ni Cherinna at—"

"Cherinna's going with me..."

"—us"

Halos magkasabay na sabi ni Kol at Jahann. Magkaiba lang sila ng huling salita.

"Oh, sinong umagaw kay Cherinna sa inyo?" natatawang tanong ni Aly sa dalawa.

Hindi naman kumibo si Jahann at si Kol.

"Alright, Kol, Cherinna and Jahann. Kuya Kiro and Ate Caryl. Me and Theon. Aly, Iris, Lean, Kevyn and Enzo..."

"Bakit di niyo na lang isabay si Kevyn? O si Iris at Aly?" tanong ni Enzo kay Keij.

"Manunuod kasi kaming porn ni Theon..." ngumisi si Keij.

Hindi tuloy napigilan ni Enzo na murahin ito. Nang matapos ang pagpaplano namin ay nagkasundo naman na ang lahat na madaling araw magkikita sa bahay namin. Sinabihan ni Aly si Jahann na sa bahay na matulog para hindi na ito bibiyahe pero tumanggi naman ito.

Hindi rin nagpumilit pa si Jahann na ihatid ako sa bahay dahil sinabi na ni Aly na sabay kaming dalawa.

Nasa kwarto na ako at nakaupo sa kama nang magring ang phone ko.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag ni Jahann. "We'll see each other tomorrow. Why?" tanong ko bago sumandal sa kama ko.

"You're still not saying it," ani Jahann sa kabilang linya.

Hindi ko mapigilang matawa. "Baliw ka talaga. Nakapag-ayos ka na ng gamit mo?" tanong ko sa kanya. Changing the topic, obviously.

"Don't change the topic, Creep..."

Napangiti ako. "I'm not. Nagtatanong lang ako kung nakapag-ayos ka na ng gamit mo," sabi ko naman sa kanya.

"Tapos na, kanina pa..." sagot niya sa akin. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Okay, I get it. You're not comfortable saying those words because of its meaning now... it's fine, Creep. Hindi na kita pipilitin."

Napayuko ako. Bakit ba ang sobrang understanding mo, Jahann?

"I love—"

"Cherinna!" biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Aly.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!