If I Fall Chapter 28: Who's Who

106K 1.2K 257

If I Fall Chapter 28: Who's Who

--

Pagpasok ng September, halos kabado ang lahat ng 4th Year students. Pag napadaan ka sa classrooms ng Archimedes at Socrates, makikita niyong halos bulungan lang ang usapan nila. Oo, every first Monday ng September ang class picture taking sa Charleston Academy. Dahil ba last class picture na nila kaya sila ganyan? Ganun naman diba ang drama ng 4th year high school students, as if yun na talaga ang huli nilang class picture. Parang hindi sila kukunan sa Graduation!!!

Anyway, hindi yan ang drama ng 4th year students ngayon. Iba ang trip nila. Sa Charleston Academy lang siguro may ganitong.. trip. Anong trip ba yun?

"Shet, bakit ang tagal?" kabadong sabi ni Rocky. Sa sobrang kaba nya kanina, bumalik ang kanyang ever annoying habit na nail-biting. Tinignan nya ang katabing si Wes, na busy.. Wow, may textmate? "Wes! Hindi ka ba kinakabahan?"

Wes: *nagtetext pa rin* Ha? Hindi. Ba't naman?

Rocky: AAAAAAAAAGGHHHH EWAN KO SAYO!!! *nag-rest sa desk*

Ang tahimik na paligid ay biglang nagimbal nang... may sumigaw mula sa corridor.

"IT'S OUT!!! IT'S OUT!!! IT'S OUT!!!"

Nagkatinginan ang lahat. Tapos.. biglang narinig nila ang napakatinis na static mula sa intercom. Si Panot.

"Good Morning 4th Year students! Unang Monday ng September ngayon.. siguro naman alam nyo na kung anong meron diba?"

Medyo creepy ba? Teka ano nga bang meron?

"ahem ahem.. Ngayon, iaannounce ko na ang Batch 20XX Who's Who."

Ngayon lang kayo nakarinig ng ganyan noh? Haha! Sabi sa inyo, weird sa Charleston! Ano nga ba yang Who's Who?

Actually, hindi naman talaga tradition sa Charleston ang Who's Who. Nagsimula yan 15 years ago, na trip trip lang ng graduating batch noon. Yan yung paglalabel sa undergrads ng Batch Couple, Batch Flirt etc. 4th Year Students lang ang pwedeng gumawa nito, at sila sila ang pipili sa 3rd year students na incoming 4th Year. Dun nila sasabihin kung sino ang Batch chorva sa kanila. Syempre, malalaman ng 3rd year students yun pag gagraduate na sila. Since medyo natuwa ang administration sa "trip" na yun, ginawa na nilang tradition yon sa Charleston. Kaya sinasabay nila yun sa class picture taking para makunan din ng pictures ang napiling Batch chorva at ilalagay sa yearbook.

Medyo magulo ba? Sorry naman ah! Pero feel ko maiintindihan nyo ang trip ng Who's Who pag nalaman nyo na kung sino ang naselect sa batch nila.

"Okay," pagpapatuloy ni Panot. "Batch couple.. Cyrus Casabueno and Kristina de Asis."

Napasinghap sina Janine at iba pang kaklase sa narinig nila. Shet, sina Cy at Tatin? SERIOUSLY? Syempre, nung ginawa ng graduating last year yan silang dalawa pa. Si Barbs naman napangisi. Tuwang-tuwa sya sa reaction ng mukha ni Cyrus. Halatang inis na inis si Cyrus sa narinig.

If I FallRead this story for FREE!