You're The One That I Want Update (#6)

92.2K 1K 53

You're The One That I Want Chapter XX

"Ano, susuko ka na?" sigaw ni Leiza sa tinuturuang si Denn. Nagmeet sila after class sa playground. Candidate kasi si Denn sa Mr. and Ms. St. Lawrence at kailangan niya ng talent. Since napansin ng adviser nila na magkaaway ang dalawa, pinakiusapan nito si Leiza para turuan si Denn na mag...

gitara.

"Teka nga muna! Awat lang. Nangalay na 'tong kamay ko!!" nilapag ni Denn saglit ang gitara at humiga sa slide.

"O e pano ka matututo nyan? Isa ka pang timang."

"Wag mo nga akong tinitimang dyan! Nakakainis 'to."

"Hello, lalaki ka tapos hindi ka marunong maggitara? Seriously?"

Tinignan ni Denn si Leiza nang masama. "I can't have everything."

"Sino bang nagsabi?"

"Siraulo."

Tumahimik na ulit ang dalawa. Sa totoo lang nagulat si Denn na magaling palang maggitara si Leiza. Hindi kasi halata sa itsura nya na musically inclined sya. 3 days na silang nagpapractice pero wala pa ring improvement si Denn.

"Maawa ka naman sa year natin, Denn. Ikaw tong transferee."

"Anong connect nun ha? Baligtad talaga 'to."

"Wala lang," sumandal si Leiza sa may slide. "Madali lang naman maggitara ah. Bakit ayaw mong matututo?"

"Yung tutor ko kasi walang kwenta."

"Anong sabi mo!?!" pinalo nya ng libro si Denn sa braso.

"ARAAAAAAAAAAAAY!!! MASAKIT!!! Pag ako lalong di nakapaggitara uupakan kita!"

"E di gawa! Isa ka pa eh. Kung pinagbubutihan mo yang pag-aaral na yan.. Mas productive ka na sana!!"

Nagkatitigan ang dalawa.

"Brown pala kulay ng mata mo," unconscious na sabi ni Denn.

"Mata talaga ang brown? Hindi iris?"

"Ayos ka rin ah."

Nagkatitigan na naman sila. Bakit ganun? May something ata sa kanila ngayon na hindi nila maexplain.

"Wag mo nga akong titigan," sabay nilang sabi.

Pero ni isa sa kanila ang umiwas ng tingin.

At parang timang, sabay pa silang tumawa.

"Lakas din ng trip mo noh," pang-asar ni Denn. Sa wakas umiwas na rin sya ng tingin.

"Maggitara ka na nga lang dyan!"

Sinubukan ulit ni Denn na magstrum. Medyo umayos na sya. "Okay na ba?"

"That's a start. Paulit-ulitin mo hanggang okay na."

Ginawa naman ni Denn ang sinabi sa kanya ng tutor. After 8 minutes na paulit-ulit, naperfect na rin niya.

"Sh*t nagawa ko rin!" tuwang-tuwa sya sa achievement nya.

Napapikit na lang si Leiza at ngumiti. "Ayan, at least may natutunan ka sakin."

"Bakit mo nga pala ginagawa 'to?"

"Ha?"

"Eto. Di ba ayaw mo sa akin? Bakit mo ako tinutulungan?"

"Sabi kasi ni Ma'am. Bakit ayaw mo?"

"Hindi. Weird lang kasi. Ikaw 'tong may ayaw sakin pero.. tinutulungan mo ako. Dapat nga humindi ka kay Ma'am e."

"Hindi ko mahindian si Ma'am. She's to persistent. And besides..."

Tumingin sya kay Denn, at ngumiti. "I believe that people can change. Kahit ang laki mong g@go, magbabago ka pa naman."

That moment, parang may kung anong sumapi kay Denn at ngumiti rin siya.

"Masarap ka palang kausap, Leiza."

"Ngayon mo lang narealize?"

"Ngayon lang naman kasi kita nakausap ng ganito. Palagi ka kasing nakasigaw."

"Kanya-kanyang trip yan."

"Wag ka ngang ganyan..."

Naweirduhan si Leiza. "Ha? Sabi mo?"

Umiling na lang si Denn. "Wala wala.. maggigitara na lang ako."

Kung nakita lang ni Leiza na ngumiti si Denn. Kung nakita lang nya...

If I FallRead this story for FREE!