Chapter 11: We meet again

3.2M 72.4K 36.4K
                                    

CANDICE

Alas-singko pa lang ng umaga, nagising na ako. Bumaba agad ako ng kwarto pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina. Nagluto ako ng paborito kong bacon. Magbago na ang lahat pero hindi magbabago na paborito ko ang bacon.

Pinagluto ko rin sina Mama at Yaya. Nagluto rin ako ng hotdog para kay Kuya dahil alam kong ayaw niya ng bacon. Maarte 'yong lalaking 'yon e.

Habang kumakain ako, dumating sina Mama.

"Candice?" Lumapit sa 'kin si Yaya kasama si Mama. "Ang aga mo namang magising, anak?"

"Mama, nasanay na akong magising nang maaga sa Korea." Tumabi sa 'kin si Mama pagkatapos ay tinikman niya 'yong bacon na niluto ko.

"Ang sarap ah? Hindi na katulad ng dati na palaging sunog," pang-aasar sa 'kin ni Mama. Nagtawanan pa silang dalawa ni Yaya. Hmpf! Bahala nga sila. Pagtawanan daw ba ako? Pinagluto ko na nga sila e. "Nagbago na nga talaga ang baby girl ko."

Natigilan ako. Tiningnan ko si Mama tapos niyakap ko siya. Ayokong isipin niya na nagbago na ko. "Mama, I'm still your baby girl."

"Ano ba yan, gyud! Ang aga-aga, ang sweet niyong mag-ina." Natawa tuloy kami ni Mama kay Yaya. Ang ganda na sana ng usapan namin dito kaso may isang sumabat sa 'min.

"Totoo ba yan, Manang, ha?" Kahit kailan, epal talaga si Kuya Charles. "Baby girl? E baby damulag ka na e!" sabay tawa.

Habang tumatawa siya, biglang dumating si Ate Serina pagkatapos ay binatukan niya si Kuya. Buti nga, Kuya."Hoy, Tanda! Inaasar mo na naman si Candice!"

"Sweety pie, ang sarap ng 'good morning' mo sa 'kin. Napaka-amazona mo talaga. Tsaka anong tanda? Mas matanda ka pa nga sa 'kin!"

"Ano?!" Hala lagot ka, kuya.

"Joke lang. I love you," sabay yakap kay Ate Serina. Pambihira! Ang aga-aga, ang keso ni Kuya. Tanda-tanda na niya e.

"Hay nako, lahat na lang ang sweet," sabi na naman ni Yaya. Nagtawanan tuloy kaming lahat dahil sa kanya.

"Candice, ngayon na lang kita nakita simula nang bumalik ka. I missed you." Lumapit sa 'kin si Ate Serina at niyakap ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Sweet pa rin siya sa 'kin.

"I missed you too, Ate."

"You look so different now and I know you changed for good." Tiningnan niya ako sa mata ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

For good nga ba 'yong pagbabago ko?

"Oo nga pala, I have to go na. Ayokong ma-late sa unang araw ng klase ko." Inubos ko lang 'yong gatas na iniinom ko pagkatapos ay kinuha ko 'yong gamit ko.

"Candice, gusto mo ihatid ka na namin ni Charles?" alok sa 'kin ni Ate Serina.

"'Wag na ate. I'm okay."

Nagpaalam na ako sa kanila tapos dumiretso ako sa kotse ko. Yes, may sarili na akong kotse. Courtesy of Marky. Isa sa mga pinagkaabalahan ko sa Korea para makalimot ay ang pagda-drive.

Madami akong natutunan sa anim na buwan na pag-stay ko sa Korea. Madami rin akong na-realize. Lahat ng 'yon nakatulong sa 'kin para magbago.

Hindi naman gano'n kalayo 'yong university sa bahay namin. No'ng malapit na ako, naabutan ako ng red na stoplight sa isang intersection kaya napahinto ako. Napalingon ako sa gilid ng kotse ko. May kasabay akong isang kotse. Pinagmasdan ko nang maaigi kung kanino 'yong kotse na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya 'yong sasakyan na 'yon. Ang swerte ko 'ata ngayon? O baka naman pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Kung ano pa man 'yon, masaya ako sa mga nangyayari.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon