Pinoy Jokes

17.9K 133 25

Bf: Pakasal na tayo?

Gf: Sige

Bf: San mo gusto ? sa pari oh sa mayor?

Gf: Syempre sayo! Tangang to.. nirereto pako sa iba..

--------------------------

Sa lumubog na barko, patay lahat ng mga tao. Ita lang ang nakaligtas. 

ITA: Halika pating, kainin mo ko.

PATING: Wag mo kong lokohin. Di ako tanga! Pusit ka!

---------------------

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute! 
Juan: Talaga? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!

-----------------------

pasahero; mang driver bayad ko po 20 pisos 

driver; kulang to dahil pang 10 kilometro lng ang binayad mo, 20 kilometros na itong bababaan mo.

pasahero; ganon po ba?sorry po!kung pwede po paki atrasan mo na lng po ako ng 10 kilometro para tama lng ang bayad ko.

-----------------------------------

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon!

----------------------------

Pepe:(Malakas na boses) Pabili po. pabili po ng safeguard. 

Tindera: Wag kang sumigaw at dinig kita. Oh ano gusto mo, Globe o smart.

-----------------------

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher..a

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam!

--------------------------------------

Tagalog Pinoy JokesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!