Simula

3.7M 65.1K 56.6K

 Simula

"None of you shall approach to any that is near of kin to him, to uncover nakedness: I am the LORD."

Pikit na pikit ang mga mata ko habang nakikinig sa mga binabasang verses ng reader sa loob ng Immaculate Conception Chapel. Solemn ang chapel na ito. Wala kang ibang maririnig kung 'di ang boses ng nagbabasa o 'di kaya ay boses ng pari at ang tunog ng electric fan na umaandar.

"Klare, I'm hungry," sambit sa akin ng katabi kong si Elijah.

"Shhh!" saway ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

"Ang sakit ng tiyan ko," pabulong niyang sinabi ulit.

Narinig ko ang marahang halakhak galing sa kanya.

Dinilat ko ang mga mata ko at matalim siyang tiningnan. "Elijah, we are having a mass. Can't your big fat tummy wait?"

"Anong sabi mo? My tummy isn't big or fat! I have abs, baby. Wanna see?" sabay hawi niya sa kanyang school uniform.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa kanyang gagawing kabaliwan. Mas lalong tumalim ang tingin ko nang kumurba ang ngisi sa kanyang labi.

"Okay, okay, alright. I'll wait," pagsuko niya.

Nang natapos na ang misa ay lumabas na kami ng simbahan. Hinampas ko na siya ng mga libro.

"You freaking idiot! Wala na bang laman 'yang utak mo kundi pagkain? Nagsisimba tayo! Puwede ba!?"

Kakalabas nga lang namin ng simbahan ay hindi ko na napigilang magmura. Kung hindi lang makulit ang talipandas na ito.

Tumawa lang siya at tumingin sa Magis Building kung saan naroon ang canteen namin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit patungo roon.

"Elijah!" sigaw ko pero hindi niya iyon pinansin.

Pinanood ko siyang mabilis na nakihalo sa mga taong pumipila sa canteen para kumain.

Umiling ako at umupo sa isang bakanteng table. Humikab ako at dinungaw ang listahan ng Eighteen Roses para sa upcoming debut ko. Excited na ako! I'm really looking forward to this.

Ngumuso ako habang tinitingnan ang mahabang listahan. Puro lalaki, siyempre. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang pangalan ng crush ko sa listahan. Nasa circle of friends ko lang siya, pero medyo tahimik siya at suplado kaya nahihiya akong magsabi na siya sana 'yong magiging last dance ko.

"Klare!" sigaw ng pinsan kong si Erin.

Inangat ko ang tingin ko at namataan siyang lumalapit kasama ang isang batalyong kaibigan namin. Nginunguso niya ang tahimik at naka-earphones na si Eion Sarmiento. Nakikita ko pa lang ang medyo suplado niyang mga mata ay kinikilig na ako. Samahan pa ng pagdidila niya sa kanyang labi at pagpa-pout habang malumanay na nakaupo. He really is so damn cool.

Tumango agad ako. Alam ko kung anong ibig sabihin ni Erin sa pagngunguso niya kay Eion sa akin.

"Eion!"

Ngumisi ako at nahihiyang kumaway pa.

Umupo na ang ibang mga kaibigan ko sa kabilang table. Tumango lang si Eion sa akin at hindi man lang tinanggal ang earphones. Ang suplado talaga ng isang ito. Inayos niya ang kanyang buhok at tumingin lang sa mga taong dumadaan.

"Hi!" sabi ko.

Kaya lang ay hindi niya ako narinig. Mas narinig ko pa ang maingay na music sa kanyang earphone. Umismid ako. Hindi ko na napigilan ang pagkalabit sa kanya.

"Eion," tawag ko.

Tila nilalagnat ako sa sobrang init ng pisngi. Ganito na lang talaga palagi.

I'm usually witty, pero natatameme ako 'pag si Eion na. Kaibigan siya ni Knoxx, pinsan ko, noong high school. Hindi kasi kami parehas ng school ni Knoxx noon. Palagi nila itong nakakasama sa pagba-basketball kaya kilala ko na siya noon. Kaya lang, natigil iyon nang nag-Maynila si Knoxx.

Until He Was Gone (Book 1 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!