CPMGP_Chapter 16

83.2K 2.8K 58
                                    

SHIMI'S POV

Nakaupo kami at nakapalibot sa isang mesa nang magtungo kami ngayon sa isang fast food. Umalis na kami sa party dahil nga ro'n sa pangyayari.



"Grabe, ang astig ng ginawa mo kanina Shimi." Sabi nitong si Ayesha.



"Tsk! Tsk! Idol na talaga kita." Saad naman ni Alex.



"Dapat lang 'yong ginawa ni Shimi sa dalawang 'yon. Tss, mga traydor. Hmp!" Wika naman ni Jamaica.



"Om-order nalang tayo." Pag-iiba ko sa usapan.



Pero sa totoo lang—hindi ko inaasahan 'yong pangyayari kanina. Siguro tama lang talaga 'yong ginawa ko. At tama lang na nagtransfer ako ng ibang Campus dahil hindi ko gugustuhing makita silang dalawa na masaya sa Asia Academy matapos ang ginawa nila sa akin.









DAZU'S POV

Nandito ako ngayon sa kama ko at hindi ako makatulog dahil sa pangyayari kanina. At hindi rin mawawala sa isip ko 'yong biglang pagsulpot no'ng babaeng 'yon dahilan para tuluyan kong bitawan si Claire. Kung babalikan ko 'yong mga pangyayari kanina, girlfriend siya ni Ross at si Claire ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.







*****

Kinabukasan...

SHIMI'S POV

Nakasilip lang ako rito sa labas ng gate ng Kang Academy. Hindi pa ako napasok sa loob paano ba naman mag-isa pa lang naman kasi ako. Hindi ko alam kung napaaga ba ako ngayon ng pasok o sadyang late lang 'yong tatlo?



"Asan na kaya 'yong mga 'yon?" Bulong ko sabay kuha ng cell phone ko sa bag nang biglang maghiyawan 'yong mga ka-schoolmates ko.



"Nandiyan 'yong mga PRINCE!!!"



Halos marindi ako dahil maging sa likuran ko ay naghihiyawan din sila. At nang mapalingon ako sa likuran ko kaya naman pala dahil nando'n ang mga Prince at kakababa lang nila ng kotse.



Tumabi ako ng kaonti pati 'yong mga estudyante rito paano kasi naglalakad na kasi sila papasok ng gate. Pero bakit gano'n parang kulang yata sila ng isa?



"Hi!" Sabi no'ng isang Prince sabay ngiti, pero bakit gano'n parang sa akin siya nag Hi. Akala ko papasok na sila sa loob.



Tumingin naman ako sa likuran ko pero wala na namang tao rito kasi nga ako na 'yong nasa pinakadulo ngayon. Tapos tinuro ko 'yong sarili ko at tumango naman siya.



"Shimi Park, right?" Tanong niya tapos tumango naman ako. "Sumama ka sa amin." Sabi niya tapos pinagtulungan akong hatakin ng ilan pang mga Prince na siya kong kinagulat.



Samantala inggit na inggit naman 'yong mga kababaihan dito pero kung alam lang nila. "T-Teka, saan n'yo ako dadalhin?" Pagtataka ko.



"Kay Dazu." Sagot no'ng isa.



"Ha? Pero bakit? Dahil ba sa pangyayari kahapon? Sabihin mo sa kanya wala naman na akong kinalaman kina Ross at Claire. Tinapos ko na 'yong ugnayan ko sa kanila kaya 'wag n'yo na akong dalhin sa kanya."



Pero hindi nila pinansin 'yong sinabi ko. Ano bang pinaplano nitong mga 'to? Pinasakay nila ako sa loob ng sasakyan nila. "'Wag kang mag-alala dahil wala namang mangyayari sa 'yong masama." Sabi niya sabay kindat.



Kailangan pa ba talagang magpakilig? Tumahimik nalang ako since wala rin naman daw silang gagawin sa aking masama. At ilang minuto lang nandito na kami sa teritoryo nila kung saan nila kami dinala kahapon ng mga best friends ko. Malamang nandito si Prince Dazu ngayon.



"Halika na bumaba ka na riyan." Sabi naman no'ng isang Prince.



Nang tignan ko sila isa isa nang bumaba sila napatanong ako sa sarili ko kung bakit ang gagandang nilalang nitong mga 'to. Ang guguwapo kasi talaga nila. Perfect silang lahat.



"Hey! May problema ba?" Tanong naman no'ng isa pang Prince, paano ba naman, nakatulala pa ulit ako at hindi pa nakakababa ng kotse, samantala silang lahat, papasok na pala sa loob.



Sorry naman dahil minsan kasi, loading ang utak ko. Tignan n'yo pati nga mga pangalan nila hindi ko alam.



Pagpasok namin sa loob nando'n nga si Prince Dazu. Ano naman kayang kailangan niya sa akin? Napalunok tuloy ako.



"Sa labas muna kayo. Iwan n'yo muna kami." Utos niya sa mga Prince kaya ngayon kaming dalawa nalang ang nandito. Magkatitigan kaming dalawa pero napakahirap talagang tumitig sa mga mata niya lalo na at baka makilala niya ako na ako 'yong babaeng hinahanap niya na napanuod niya ro'n sa video.



"Basahin mo." Sabi niya at may inaabot siyang nakatuping papel sa akin.



"Ano 'to?" Tanong ko.



"Bulag ka ba, e 'di, papel?" Masungit niyang sagot.



Ang sarap niyang tirisin dahil sa sinabi niyang 'yon. Sarcastic siyang masyado, tch, pasalamat siya at guwapo siya e. Binuksan ko 'yong papel at binasa.



Pero matapos kong basahin 'yon inirapan niya ako. "Pagkauwi mo sa inyo sunugin mo kaagad 'yang uniform na suot mo." Sa sinabi niyang 'yong biglang nagpanting 'yong tainga ko. Lalot ang nilalaman ng papel ay TERMINATION FORM na ang ibig sabihin, gusto niya akong umalis sa Campus nilang 'to.








 Lalot ang nilalaman ng papel ay TERMINATION FORM na ang ibig sabihin, gusto niya akong umalis sa Campus nilang 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon