Chapter 2: The Bloody Welcome Party


Humihikab pa ako habang tinitingnan ang kakukuha ko pa lang na schedule. Kahit kailan talaga hindi ako maasahan sa paggising nang maaga. Nasa fifth floor ang una kong klase. English. I maybe a bad girl but I’m not a dumbass. Nagsisink-in naman sa utak ko yung mga pinipili kong marinig. What’s that? Selective Retention? Selective Attention? Uh! Too bad. Walang elevator para sa mga estudyante ang school na ito. Kung meron man, sa may faculty area lang. I gotta take the stairs… the hateful tiring stairs.

I pushed the door open the moment that I found my room number. I’m slightly nervous but it felt normal… another cliché. I’m a school hopper, remember?

“You must be the new kid. Introduce yourself to the class, please,” sabi ng teacher na nabungaran ko. Lahat ng atensyon ay nakatuon na sa akin. I really hate getting someone’s attention…or worse, everyone’s attention.

“Hi. I’m Summer Leondale,” tipid kong wika. Mukhang naghihintay sila ng susunod ko pang sasabihin. Pero naintindihan naman agad ng guro sa unahan na wala na akong balak dugtungan pa ang mahaba at meaningful kong pagpapakilala.

“I’m Mr. Daniel Flores, your English Instructor. You may take your seat, anywhere you want,” wika ng guro kong may katandaang lalaking may salamin at lumakad ako papunta sa may dulong bahagi.

I must say that Mr. Flores captured the interest of the students while teaching. He’s good at it, actually. Maayos ang takbo ng diskusyon nang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang limang estudyanteng lalaki. No! They’re the gorgeous gangsters from yesterday! Paano ko ba makakalimutan ang korning pangalan nila? Black Government. Duh! They could have used Puppeteers, Tomblrs, Fiery Glaciers, Blazing Dragons, Dark Fangs, Boys Generation, Wonder Boys, Super Juniors, Kattuns… Uh! Sorry for that! It’s kinda normal for me to make fun of high school gangs.

Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang lalaking nasa unahan nila. Hindi ko siya nakita kahapon. He got this messy, fashionable brown hair, matangkad, matangos na ilong, manipis at mamula-mulang labi and those eyes… mysterious brown eyes… and dang it! Kelan pa ba ako naging descriptive sa hitsura ng isang lalaki? Oh, well, okay. Ngayon. Tss.

“Freniere! Montreal! Sison! Lowe! West! For Heaven’s sake! You’re 45 minutes late!” Nagpipigil sa galit na wika ni Mr. Flores sa kanila. Whoah! He really looked scary! Kung siya ang naging teacher ko sa unang school na pinasukan ko, baka naging matino ako at hindi ako na-kick-out. Oh, well! That was a bad imagination on my part and I’m a terrible liar even with this.

“Wow. Para namang bago ka lang dito. Hindi ka pa ba masasanay?” Tanong ng lalaking bulky at itim ang buhok mula kahapon. Though I’m not really appreciative of guys, I can’t deny the obvious that he’s damn hot. He’s more like an anime bishie with his hair and yeah, get up. Umupo sila sa bandang dulo. Kusang lumipat ng upuan ang mga nandoon para lang sa kanila. Weird. Anong meron sila para manipulahin ang paligid? Hindi na sumagot pa si Mr. Flores at itinuloy na ang naudlot na leksyon.

Hindi ko na sila naging kaklase pa, pero yung ilan mula kahapon ay namumukhaan ko sa ilang subjects. Whoah. For the first time naging invisible at normal ako, ah. I mean, nasanay na ko na pinagtatangkaang ma-bully, but it ends up na ako ang nanghaharas sa kanila. And then I wonder kung bakit ako naki-kick-out, there's nothing wrong with self defense...

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!