Epilogue

160K 2.7K 246
  • Dedicated kay JFILA readers :) <3

Dedicated sa inyong LAHAT! Grabe eto na Epilogue na talaga, maraming salamat sa lahat ng sumuporta. May maikling mensahe ulit ako sa next page hihihi. Sana basahin niyo po. SALAMAT ulit! ;) <3





Epilogue


"Da--da!" Ang ingay ingay ni Tyler, isang taon at kalahati na siya at panay ang habol niya ngayon kay Drake dito sa pampang ng beach. Kagaya ng napagplanuhan namin ni Drake, dito kami tumira sa Zambales, at dito na rin namin palalakihin si Tyler.

Nakakatuwa silang pagmasdan, habang tumatagal mas lalong nagiging kamukha ni Drake si Tyler lalong lalo na sa tuwing tumatawa sila dalawa, panay ang pagmumura ng dimples nila.

"Accckkkk!!" Sigaw ni Tyler nang bigla siyang buhatin ni Drake at isinampa sa balikat nito, panay naman ang sabunot ni Tyler kay Drake sa sobrang tuwa.

"Anak! Baka makalbo si Daddy!" Suway ko at tinanggal ko ang kamay niya saka ikinapit iyon sa tainga ng asawa ko.

"Okay lang Sweetheart, hindi naman ganun kasakit." Nakangiting sabi niya saakin atsaka hinawakan niya ang isang kamay ko at naglakad kami sa pampang, ang isang kamay naman niya ay nakaalalay kay Tyler. Napapangiti ako sa tuwing humahampas sa paa namin ni Drake ang tubig mula sa beach, palubog na rin ang araw at medyo lumalamig na rin ang hampas ng hangin sa katawan ko.

"Ba! Baba!!" Sigaw bi Tyler, napangisi ako. Ang kulit kasi niyang magsalita, paunti unti pero naiintindihan naman namin.

Kaagad ibinaba ni Drake ang anak namin at napangiti ako nang mamulot ng isang shell si Tyler at inabot saakin, umupo ako sa buhangin para magkapantay kami ng anak ko.

"Miiiii!!! Miii!!" Napahalakhak ako dahil sa sobrang diin ng tawag niya saakin habang umuupo sa hita ko.

"Ano? Nakakita ka nanaman ng shell, para kang Daddy mo eh." Natatawang sabi ko atsaka hinalikan ko ang pisngi niya ang bango bango ng anak ko!

Umupo din sa tabi ko si Drake at napapitlag ako nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko, hanggang ngayon nabibigla pa rin ako sa bawat kilos niya, para bang bago palagi saakin ang lahat basta siya ang gumagawa.

Tinignan ko siya at nginitian. "Ako ba walang kiss?" Aniya. Atsaka ngumuso, hinampas ko ang labi niya ng pabiro pero kaagad ko din siyang ginawaran ng isang marahan na halik.

"Daaaaa!!!! Miiiiiii!!!" Napahagikhik kami ni Drake dahil kay Tyler, hindi namin alam kung bakit nag iingay siya sa tuwing makikita niyang naghahalikan kami ni Drake.

"Ano nanaman anak?" Natatawang sigaw ni Drake, gumitna saamin si Tyler at hinampas hampas niya ang hita naming dalawa ni Drake.

Nakakatuwa siya, habang lumalaki mas lalong nagiging pilyo pero masasabi kong lumalaking malusog ang anak ko, ang sabi nga ng Pedia niya masyado siyang matangkad sa edad niya, maging yung ibang ginagawa ni Tyler ay masyadong advance, mukhang nagmana talaga siya sa asawa ko lalo na sa katalinuhan.


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!