Chapter 20

9.4K 79 7
                                    

D Y L A N

"Hazel."

"Dy-dylan... Sorry nagsinungaling ako. Natatakot kase akong magalit ka saken."

"HAZEL NAMAN! Natatakot kang magalit ako sayo, Pero pano si Michelle? Paano kung naitulak ko siya ng mas malakas tapos nabagok siya? Hindi kaba makokonsensya? Hazel! Nagalit ako kay Michelle! To the point na umiiyak na siya, To the point na minumura at sinusumpa niya nako sa galit!"

Alam kong babae si Hazel, Pero naiinis talaga ako! Ayoko sa lahat yung sinungaling.

"Sino ba yang Michelle na yan at parang importante siya sayo!? ha?!"

"Importante talaga siya saken dahil kaibigan ko siya!"

"Baket ba di moko magustuhan? Maganda naman ako ah. Kumpara sa Michelle mo. Mukha siyang hampaslupa" 

Sumama ang tingin ko sa sinabi niya.

Nagustuhan naman kita Hazel eh.

NAGUSTUHAN. PAST TENSE!

"Sorry, pero I  don't fall in love with faces, I fall in love with personalities, And guess what. Maganda na nga siya, Maganda pa personality."

"Nagustuhan naman kita eh. Nagustuhan. Past tense."

"DYLAN! NAKAKAINIS KA! SINASABI MO BANG MASAMA AKONG TAO?"

Base sa reaction mo ngayon Hazel? Oo.

Napakasama mo.

"Magpasalamat ka Hazel, Nasa clinic ka lang."

"Magpasalamat dahil sakanya kung baket ako nasa Clinic. Dylan sinaktan niya ko."

"Pero nauna ka. At oo magpasalamat ka."

"Dahil si Michelle, Nasa hospital."

"ANO?!"

"Oo Hazel, At dahil yun sayo."

"D-Dylan.."

"Pag may nangyareng masama kay Michelle, Sinasabi ko sayo. Wag mo nakong kakausapin."

"...Kahit kailan."

At umalis nako ng clinic, Naiinis ako!

Naiinis talaga ako!

**

"Mahal mo talaga si Michelle no?" Tanong ni Cloud saken

"Mas pinili mo siya keysa kay Hazel, Eh alam ko namang mahal mo si Hazel... noon." pagpapatuloy niya.

Oo nga mas pinili ko si Michelle.

Ibig bang sabihin neto, Totoo na tong nararamdaman ko?

Mahal ko na siya?

Mahal naba talaga kita Michelle?

**

M I C H E L L E

"Michelle! Gising na! Uuwi na kita!" 

Nagising ako nalang ako dahil sa gising saken ni Krisha

"A-asan si Dylan?"

"KAKAGISING NA KAKAGISING MO LANG HAHANAPIN MO PA TALAGA SI DYLAN!" Sigaw ni Krisha saken

Slave With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon