“Sige.” Lumiwanag ang buong mukha niya. Pinahid na rin niya ang mga luha niya. Buti naman dahil ang awkward na.

“Talaga? Pinapatawad mo na talaga ako?” Umiwas ako ng tingin.

“Hindi.” Nawala bigla ang saya sa mukha niya. Napanganga siya.  

“Sige umiyak ka lang. Ito ang panyo. Labhan mo at ibalik mo sa akin. Mahal yan para sa empleyadang katulad ko. At hindi ako madadala sa luha mo. Gabriel, it takes more than that.” Tapos tumalikod na ako at pinilit ko talaga ang sarili ko na hindi na lumingon, na hindi na bumalik. Tinanggap ko ang mura na sinisigaw ng isang bahagi ng puso ko. OO na, pa hard to get na ako at maarte pero kahit kailan, hindi talaga ako mahilig sa half-cook. Half cooked vegetables, half cooked meat at half cooked relationship. Ayaw ko ng hinog sa pilit kasi maasim. Mapa mangga man yun o mapa relasyon.

Hanggang sa dumating ako sa opisina at makauwi sa apartment maasim pa din ang mukha ko. Nagtatalo pa ang isip ko kung tama ba talaga ang ginawa ko? A part of me is also scared na baka lalo ko lang pinalala ang sitwasyon pero mas malakas pa din ang paninindigan ko  na hindi ako makipagbalikan kay Gabriel hangga’t may pag aalinlangan ako.

Yun ang isinaksak ko sa isip ko hanggang sa makatulog ako. Pero ang hirap pala makatulog lalo na kung may gumugulo sa isip mo. Hanggang sa mag-umaga na at halos wala akong tulog nung pumasok na ako sa opisina. Hilong hilo ako at antok na antok.

“Mira!” Biglang napamulat ang mga mata ko nung marinig ko ang tawag ng kaopisina ko. Asar naman! Napapapikit na ako eh.

“What!?” Pasinghal ko din an sagot sabay punas ng mata ko dahil baka may muta pa ako. Tumingin na din ako sa paligid dahil baka nasa paligid lang si boss at nakita akong tutulog tulog.

“May package ka.” Napatingin naman ako sa tinitingnan ng kaopisina ko at nakita ko ang delivery boy na may bitbit na isang malaking box at sa katabi niya ay may dalawa pa.

Tumayo ako at naglakad papunta sa delivery boy.

“Saan galing?” Sino naman ang magpapadala sa akin ng tatlong cartoon na package?

“Sa Landmark Ma’am. Pakipirmahan na lang po dito.” Tapos iniabot sa akin ang waybill. Tiningnan ko pa ang pangalan at naka pangalan nga sa akin. Buong pangalan ko pa ang ginamit. Kulang na lang buuin ang middle name ko.

Pinirmahan ko na ang waybill at umalis na ang delivery boy. Madami na din ang nakikiusyuso sa mysterious package ko. Bumalik ako sa table ko at kinuha ang gunting then I opened one of the boxes at tumambad sa akin ang mga malalambot na cotton consisting of towels of different kinds, bathrobes at may kasama pang comforters.

Nanalo ba ako ng bathroom showcase ng hindi ko alam? Then I opened the other box  at ang laman naman ay mga bedsheets, pillows at pillowcases. Baka naman bathroom and bedroom showcase ang napanalunan ko?

And when I opened the last box doon ko napagtanto kung para saan ang mga boxes at kung sino ang nagpadala. Dahil ang laman ng huling box ay lingeries, brassieres, panties at sangkatutak na panyo. At sa tabi ng mga panyo ay may isang maliit na card from the Department Store itself.  
 

That Mighty BondBasahin ang storyang ito ng LIBRE!