Finale

154K 2.6K 193

Dedicated kay @heartlessbitch14 >> Siguro lahat nman tayo nsaktan dahil sa love na yan. Cry all you want then Forgive, forget and Just Fall In Love Again. <<< Thank you sa comment at pagbabasa :)



Finale



Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman kong may humalik sa labi ko.


"Drake." Nginitian ko siya, umupo ako sa kama at kahit pupungas pungas pa ako ay nagawa kong titigan ang itsura niya, hindi siya naka-suit ngayon sa halip ay suot niya ang isang simpleng tshirt na kulay navy blue na talaga namang bumabagay sakanya, nakamaong pants siya at simpleng sapatos.

"Saan ka pupunta?" Usisa ko sakanya habang kinukusot ko ang mata ko, umupo siya sa kama at napapitlag ako nang hilahin niya pababa ang suot kong tshirt niya na ginawa kong pantulog.

"Maligo ka na Sweetheart, aalis tayo." Anunsyo niya, kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi tayo pwedeng umalis, nakakahiyang iwanan nanaman si Tyler kela Mama Aira." Suway ko sakanya, ang aga aga minura kaagad ako ng dimples niya. Nakakahiya na kasi nung nagtatrabaho ako palaging sila Mama Aira ang nagbabantay kay Tyler, pero kapag gabi naman ako na ang nag aalaga, yun nga lang kagabi ang despidida party ko sa opisina kaya hindi ko naalagaan ang anak ko. Bigla ko tuloy siyang namiss.

"Isasama natin si Tyler Sweetheart." Aniya.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Hindi Sweetheart. Nagpaalam na ako kay Dad, binakante ko na lahat ng schedule ko ngayon para makasama ang mag ina ko." Ngiting ngiting sabi niya at napatingin ako sa may pintuan nang pumasok si Mama Aira na buhat buhat si Tyler, napangiti ako dahil bihis na bihis ang anak ko.

"Ang gwapo gwapo ng apo ko. Tignan mo ang dimples panay ang labas kahit na nag iinat lang siya." Tumayo si Drake para makaupo sa tabi ko si Mama Aira, binuhat ko ang anak ko at hinalikan ang pisngi niya bigla siyang ngumiti at napahalakhak ako dahil maging ang dimples niya ay nagmumura.

"Manang mana ka sa Daddy mo.." Bulong ko, ngumisi si Drake. "Syempre malakas ang dugo ko." Pang aasar ng asawa ko saakin.

"Alam mo bang tuwang tuwa si Drake kanina nung pinaliguan namin yan si Tyler." Nanlaki ang mata ko at tinitigan si Drake, ako dapat ang gumawa non, pero dahil nga napuyat ako kagabi sa asawa ko hindi ako nagising ng maaga, nakakahiya tuloy kela Mama Aira.

"Oh? Sweetheart alam ko ang iniisip mo, okay lang yon. Ngayon ka lang naman umabsent sa pagpapaligo kay Tyler." Pang aasar ni Drake.

"Atsaka isa pa hija dalawang buwan ka na rin puro trabaho. Minsan ka na nga lang ma-late ng gising." Sabi ni Mama Aira atsaka hinawi ang buhok ko.

"Sige na hija mag ayos ka na at itong si Drake kanina pa nangungulit na gisingin ka, ang sabi ko naman hayaan ka munang matulog." Dagdag ni Mama Aira.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!