Chapter 18 - On the Way Out

Start from the beginning
                                        

Tama! Ako si Chiina. Ako dapat manguna sa pagiging friendly. Hehe.

Tama. Hindi dapat ako mahiya makipagkaibigan. Isa nga iyon sa aim ko ngayong summer eh. :)

Pumunta na ang bawat section sa mga classroom sa CTC. Kami yung nasa 3rd floor. Ang tahimik ng paligid. Ang mga nag-uusap lang eh yung mga magkakakilala. At syempre, si Edcel lang kausap ko. Tumabi kami sa isang morenang girl na mahaba ang buhok. Hindi ko alam bakit nasa 3rd row siya. Ngumiti naman siya nung tinabihan ko siya, tapos sumunod naman sakin si Edcel. Mayroon pa ngang isan girl na nag-iisa, sa last row talaga siya umupo. Wala siguro siyang kilala. Mamaya, kakausapin ko siya.

Tahimik na nagsimula yung mga klase. Nagkakahiyaan pa kaming magkakaklase eh. Dumaan na yung English Lit at Grammar, Math at Chem. Next na yung Christian Living o CL. Bukas, Enrichment at Homeroom. Nakausap ko na pala yung girl na katabi ko. Joana Macina yung name niya. Galing siya ng JCMPHS. Mabait siya, at friendly din. Pero mas tahimik siya sakin. Kahit na ganun, naging magkasundo kami agad. Nagtatanungan kami buong araw tungkol sa mga bagay-bagay. Mabuti na lang at may friend na ko rito sa ANI. :)

Dumating na yung CL teacher namin. Grabe nakakatakot!! Bawal ganito, bawal ganyan. Bakit ganun yung rules niya? Huhu. :(

Wala pa kaming pinag-aralan sa CL nun, pero hindi ko makakalimutan yung unang CL meeting namin na iyon.

Siya si Kuya Chico. Siya na ata yung pinakakinatatakutan kong ANI teacher. Parang ang strict niya tingnan, yung tipong bawal ang hindi in order. Natakot ako lalo sa kaniya nung naghanap siya ng volunteer para mag-lead ng prayer before dismissal.

Ako kasi yung tinawag niya!!

Kinabahan talaga ako nun. Wala naman ako magawa kundi sumunod. Nagpray na lang ako ng kung anong maisip kong prayer. Hehe. Nakakainis, mukhang may mangtitrip sakin dito ah. :(

Ineenjoy ko ang bawat klase ko sa ANI. Kahit pa ang sobrang nahihirapana ko sa Math at Chem, hindi ko na lang pinapansin yung hirap. Anjan naman si Edcel at Joana eh, nagpapaturo ako sa kanila kapag hindi ko na talaga alam. Sobrang naeenjoy ko yung English class namin, lalo na yung Literature. Dahil sa hilig ko magbasa, hindi ako nahihirapan kahit pa gano kahaba yung babasahin, lalo pa kapag interesting yung topic. May mga babasahin kasi na sobrang bored ako basahin, pero kahit papaano eh hindi ako tinatamad. Sa poetry lang ako nahihirapan. Minsan kasi mali yung interpretation ko eh, lalo na pag sobrang lalim. :)

Sa English Grammar naman, natatawa na lang ako sa sarili ko. Nagkakamali pa rin kasi ako sa grammar kahit pa parang alam ko na iyon. Minsan nga eh nakikita ko agad yung gramatical error sa mga sentences. Sana lang ganito rin ako sa Science at Math, kasi hindi eh. :(

Isa pang nagpasaya sa first ANI experience ko ay si Kuya Chico. Akala ko kasi nung una magiging batas militar kami tuwing CL time, pero sa totoo lang mabait talaga si Kuya. Palabas lang daw niya yung pagiging stricto niya, para raw maiba. Hehe. Lagi nga kaming may miryenda pagkatapos ng class eh, naiinggit sakin yung iba kong classmate. Hehe. Ako rin pala yung naging class beadle sa CL. Ako at si Regine to be exact. Sabi ni Kuya Chico, ako raw yung pinag-pray niya nung first meeting namin kasi nakita niya kami ni Joana na nagdadaldalan. Akala pa nga eh galing kami sa parehong high school eh. Hehe.

Maliban kay Joana, naging kaibigan ko rin yung iba niyang schoolmates, si Shera at Glaze, pati yung mga taga-Marikina at Q. C. tulad ni Jinny, Monaliza, Miki at iba pa.

Maliban sa academics, masaya rin yung extra-curricular activities tulad ng mga amazing race. Mas nakilala ko kasi yung mga bago kong kaibigan. Nagkkwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay namin. Sa Enrichment at Homeroom classes namin parang chill lang. Yung Enrichment, parang modified P.E, yung Homeroom, chill time na subject. Hehehe.

May pinagkakaabalahan din ako sa bahay. Mula kasi sa ipon ko, bumili ako ng gitara. Gusto konang matuto ng kahit isang musical instrument man lang. Sinamahan ako ni Papa nung bumili ako. Inaral ko yung chords ng mag-isa. Wala naman kasing magtuturo sakineh, kaya sariling sikap ako. In the end, natuto naman ako tumugtog kahit papaano. Pwede ko pa iyon ituloy. :)

Kahit na gaano ako naging busy sa ANI, may mga oras pa rin na naiisip ko si Allein. Ilang linggo pa lang naman kasi ang nakaraan. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan yung mga nangyari. Lalo pa nung umuwi sila Mama sa Iloilo nang hindi ako kasama. Kinaialngan kong asikasuhin yung sarili ko sa pagpasok sa ANI. Naging independent ako kahit papaano. Si Kuya Lloyd at Ate Mitch lang ang kasama ko sa bahay.

Kapag wala akong magawa, nanonood lang ako ng T.V., o di kaya naman eh nakikinig ng radio. Gusto ko kasing abangan yung mga hitcharts, lalo na yung sa Myx. Favorite band ko kasia ng Sponge Cola at Callaliy. Inaabangan ko nga si Yael Yuzon (lead singer of Sponge Cola) sa Ateneo eh. Madals daw kasi siya nagjjogging doon. Sayang, hindi ko pa siya nakikita. Hehe. Latest single nila ngayon ay yung Tuliro. Hehe. Mejo rock yung kanta. Lagi ko yun inaabangan sa Myx hitchart. Madalas pa nga namin pag-usapan yung mga bagong kanta ngayon. Halos kabisado ko kasi yung mga kanta na nasa countdown. Hehe

Yung kanta ng Callalily ang mejo tumatama sakin. Magbalik yung title. Naalala ko kasi si Allein sa kanta na iyon. Sa tuwing napapakinggan ko iyon, naiiyak na lang ako. Yung bawat lyrics ng kanta ay mga bawat salitang gusto ko sanang sabihin, pero alam kong hindi na kailangan. Namimiss ko kasi siya. Pero habang pauli-ulit kong naririnig yung kantang iyon, lalo kong nararamdaman yung sakit. At dahil sa sakit na iyon, lalo akong nagiging determinadong kalimutan siya.

Sulit na sulit yung pagod at kawalan ng bakasyon dahil sa mga bagong friends at mga experience. Mas lalo kong nakikilala ang sarili ko dahil sa mga bagong taong nakapaligid sakin.

Kahit pa mahirap, alam kong kaya kong makakalimutan ko rin siya. Kailangan ko lang mag-focus sa ibang bagay.

Makakawala ako sa sitwasyon na ito..

I'm on my way out...

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now