“Sige gats”, sabi ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang panunuod ko.

…………………………..

* * * * * *

Mga bandang alas 8 ng umaga-----

“Hon”, hiyaw ko sabay yakap kay Pervince. Kararating niya lang kase eh.

“Ready ka na?” tanong niya sa akin.

Nagnod lang ako.

“Oo, excited much yan Perv. Kaninang alas 4 pa yan nagising”, sigaw naman ni gtas mula sa taas ng hagdan na pababa naman.

“Totoo?” biglang kinonfirm ni hon sa akin na parang nag-aalala yung mukha niya.

“Hehehe”, sabi ko sabay kamot sa tuktok ko.

“Ba’t di ka natulog ulet?” tanong niya ulet sa akin.

“Napakamot nalang ako waring nahihiya sa ginawa ko, “hindi na kase ako dinalaw ulet ng antok eh”, sabi ko.

Ngumiti siya ng nakakaasar, “Excited much nga”, sabay hawak sa pisngi ko.

“Sira!” pinalis ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Nagtawanan nalang kami.

“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Ah, oo. Kakakain ko lang. Ikaw, kumain ka na ba?” tanong niya naman pabalik sa akin.

“Oo, kakatapos ko lang din”, sagot ko.

“So, tara na?” tanong niya sa akin.

“Okay ^_^” sabi ko.

“Teka , nakapag-impake ka na ba?” tanong niya ulet nung papalabas na kami.

“Oo, kagabi na ako nag-impake”, sagot ko. Nasa may gate na kami, tiempo din ang pagdating nila Mr. Guiller, umalis kase sila ng maaga kanina sabi ni Lilia, may pinuntahan daw.

Nung makita nila kami, tumigil siya at nagbow down.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!