SAPHIRE’S POV

 

Nandito ako ngayon sa may sofa dito sa living room namin, umiinom ako ng gatas. Mga alas 4 pa lang nagising na ako. Ngayon kase kami magpapaultrasound, sasamahan daw ako ni hon. Di ko alam kung ba’t maaga akong nagising after kase nun, hindi na ako dinalaw ng antok. Excited much ata ako. ^_^

Inabot ko na yung remote, manonood nalang ako ng palabas. Hindi na kase talaga inaantok eh.

Naisip ko din, panu kaya kung tawagan ko si hon ngayon? Oo tama, hindi niya naman siguro ako iignore eh. Pero teka nga, pagod nga ata yun sa mga ginawa nila kahapon, hahayaan ko nalang siyang mahimbing sa pagtulog niya.

Sa HBO na nga lang ako manunuod, saka okay naman ang palabas, The Day The Earth Stood Still yung title. Ayos! Maganda naman ata ‘to kase sci-fic.

Nagpatuloy lang ako sa panunuod hanggang sa narinig ko ang malamyang pag-apak ng mga paa dahilan para padabog na hakbang na maririnig mo.

Hindi ko nalang pinansin, nagpatuloy lang ako sa panunuod.

……

“Gats? Ang aga mo atang nagising?” tanong ni Ruby. Papunta siya sa kusina.

“Oo nga eh, saka hindi na rin ako dinalaw ulet ng antok”, pagpapaliwanag ko.

“Ah, alam ko na kung bakit. Hindi ka naman excited eh no?” pangasar niya pa kahit halata namang inaantok pa.

Ngumiti lang ako. Excited nga ba ako? Ibinaling ko nalang ulet ang mga mata ko sa pinanunuod kong palabas.

“Gats”, tawag niya ulet kaya napalingon na ako sa kanya.

“Yeah?”

“Di ba ngayon ang alis niyo papuntang boracay?” tanong niya.

“Oo, mamayang pagkatapos kong magpaultrasound”, sagot ko sa kanya.

“Ah, oh siya. Ngayon na pala ako papasok”, declare niya.

Nginitian ko lang siya tas binaling ulet ang tingin ko sa palabas.

“Oh siya sige gats, matutulog na ako ulet”, sabi niya sabay akyat sa hagdan na napakalamya.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!