ONE WEEK LATER>>>>>

“Water! I need a glass of water! Hurry up!”, sigaw ni Mr. Guiller habang pababa ng hagdan.

Naghihysterical siya. May nangyari kaya kay Saphire? Natanong ko sa sarili ko.

Medyo busy kase lahat kaya walang nakapansin sa kanya agad.

“WHAT IS WRONG WITH YOU PEOPLE?! I SAID I NEED A GLASS OF WATER! LADY SAPHIRE IS GAGGING!”, sigaw niya kaya naman lahat nakatingin sa kanya pati na yung mga costumers. Nagbubulungan yung iba tas napanganga naman yung iba. Binigyan naman siya ng tubig ni Chloe. Yung babae sa counter.

Pagkatapos makuha yun, dumiretso naman sa taas si Mr. Guiller.

Agad kong tiinigil ang ginagawa ko at dumiretso sa office ni hon.

Nakabukas lang ang pinto kaya naman pumasok na ako.

Nagulat sila Mr. Guiller at yung iba pang PSGs nung makita ako.

“What are you doing here?” tanong ni Mr. Guiller.

“Where is she?” tanong ko. Pero di na ako nag-aantay ng sagot nila. Hinanap ko kung nasan siya. Hinanap ko siya sa office. Hanggang sa nakita ko yung bathroom na nakasara. Narinig ko ang pagduduwal ni hon sa loob.

“Are you in there? Come on, open up. It’s me”, malakas kong kinatok yung pinto.

“Click!” Narinig ko nalang ang pagunlock sa door knob.

Pagkabukas ko, agad akong pumasok at nakita ko siyang naduduwal. Agad ko yung sinara.

Narinig ko na umangal sila Mr. Guiller sa labas keyso pumasok daw ako.

Agad akong  lumuhod and I rubbed her back habang nagsusuka siya.

“Hon, are you okay? May masakit ba sa iyo?” pag-aalala ko habang hinahaplos ang likuran niya.

…..

Maya-maya’y natapos din ang pagsusuka niya. Agad niyang finlash yung bowl saka tumayo sa parang hugasan at tinignan ang sarili niya sa salamin. Nagmumog pa siya at naghilamos.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!