EURIKA’S POV

 

 

Nandito na ako sa shop, kanina pa.

Hindi ko nakita si Perv. Asan kaya yun, sabi naman nung pinagtanungan kong crewmate niya kanina na pumasok naman daw yun, hindi niya nga lang din alam kung nasan na ngayon. Tss. Bahala na nga, basta mag-aantay ako sa kanya, gusto ko siyang makita.

Maya maya’y nakita ko na din siya, galing ata sa may secondfloor nitong coffee shop. Ang gulo ng buhok niya kaya naman inayos niya ito.

Nakita ko si Rex na tinawag si Perv sabay lapit dito at inabot ang tray, may pinag—usapan sila. Hindi ko rinig kase malayo sila sa akin.

Hanggang maya-maya’y palapit siya ng palapit sa akin. Nagkatinginan kami, nung una halata kong nagulat siya nung makita ako pero maya-maya’y ngumiti siya sa akin. Napangiti nalang din ako, namiss ko ang ngiti niya. Most especially his sexy erotic voice.

“Hi…” bati ko sa kanya na nakasmile.

“Hey”, sagot niya sabay smile. Nako! Magkakamiscarriage ako sa pinaggagawa nitong lokong ‘to.

“Kamusta ka na?” tanong ko.

“I’m fine…” sagot niya.

After nun, may great silence between the two of us.

…..

......

……

Nagsmile muna siya, “I’ll be working now”, sabi niya sabay lakad na.  Ayoko siyang umalis. Ayoko, gusto ko siyang magkasama ulet.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. E naka dress lang ako na stretchable sa may bandang tiyan. Mapapansin niya kaya?

“Wait! Perv…”dahil dun, napalingon siya sa akin. Tinignan niya ako tas yung tiyan ko malapit tas tumingin ulit sa mga mata ko.

“Huh?”

“Let’s hang out tonight, kahit saan. My call”, masaya kong pagyaya sa kanya.

Napasmile siya at lumapit sa akin.

Hospitality Man: Lalaking Bayaran (R-18)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!