-35-

60.6K 2.1K 614


“MA’AM, may delivery po…” untag sa akin ng kasambahay namin habang nag-aalmusal kaming dalawa ni Aly. Halos alas-diyes na rin naman. Tinanghali ng gising si Aly kaya sinabayan ko na lang siya sa pagkain. Maaga namang nagpunta sa Blooms si Mommy, kasama niya si Daddy.

Nilingon ko ito at nakita kong may dala itong mga bulaklak. White roses, actually. Kumunot ang noo ko. “Kanino po galing?” tanong ko nang abutin ang mga iyon. Narinig ko naman ang pagbaba ng baso ni Aly. Malakas iyon kaya bumaling ako sa kanya. “Kanino pa ba? Yung Ian lang naman na ‘yun ang nagpapadala ng bulaklak sa’yo, eh.Itapon mo nga ‘yan, nabubwisit ako…” asik ni Aly bago nagpatuloy sa pagkain.

Nagpasalamat na lang ako sa kasambahay namin bago ko pinagmasdan ang bulaklak. Hindi naman na ako pinadadalhan ni Ian ng bulaklak. Tinignan ko kung may card na nasa bulaklak pero wala naman akong nakuha.

Napatuwid ang likod ko nang maisip kung sino ang posibleng magpadala sa akin ng bulaklak. Nilingon kong muli si Aly na kumakain pa rin.

Humarap din siya sa akin at sumimangot. “Twin, paano ka makakamove on kung tatanggapin mo ‘yang bulaklak galing sa ex mo? Besides, sabihan mo nga ‘yang Ian na ‘yan na tantanan ka niya. Nabubwisit na naman ako sa kanya at sa baliw na girlfriend niya…” irap nito.

It’s been a week, already. Nakikita pa rin ang mga sugat ko. Nakita na rin ito ni Mommy at Daddy. Aly had it covered, though. Kahit na napagalitan siya ni Daddy dahil sinabi nito na siya ang may gawa ‘non dahil ginigising ko siya at nainis siya sa akin. Hindi naman alam nila Mommy ang sa may braso ko dahil laging long sleeves ang suot ko.

“Kumain ka na nga lang,” ngumiti ako sa kanya. Ipinaalam ako ni Aly kay Daddy na isasama niya ako sa Ai’s. Pumayag naman si Daddy nang sabihin ni Mommy na isang linggo na akong grounded. Sinabihan na rin ako ni Daddy na pwede na akong magpunta sa SD at Ai’s. Pero hindi pa rin pwede sa Blue’s Haven…

Matapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis. Sinulyapan ko ang bulaklak sa vase na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko. Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi naman ako sigurado kung sa kanya galing ang mga iyon, ngunit malaking bahagi ng isip ko ang nagsasabi na siya ang nagpadala ng mga iyon.

“Twin, let’s go?” narinig kong tawag ni Aly sa akin mula sa labas ng kwarto ko. Kumatok ito at binuksan ang pinto at sinilip ako. Tumango naman ako sa kanya bago kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto ko.

“Tinapon mo na ‘yung bulaklak?” tanong niya sa akin habang pababa kami ng hagdan. “May problema ka sa bulaklak, Aly?” hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Tinitigan niya naman ako ng masama. “May problema ako sa ex mo,” sagot niya sa akin. “And I blamed myself, okay?” nag-iwas siya ng tingin. “Pinipilit ko siya sa’yo kasi akala ko talaga, seryoso siya sa’yo. Akala ko talaga okay siya. Pero hindi pala…” huminga ito ng malalim bago tumingin sa kanya. “I’m really sorry…”

Ngumiti ako bago niyakap si Aly. “It’s not your fault. Don’t blame yourself. Alam ko na gusto mo lang akong maging masaya…” mahinang sabi ko sa kanya.

“Of course! You’re my twin sister. Gusto ko talaga na maging masaya ka, kaya sa susunod, yung magiging boyfriend mo, kikilatisin ko muna talagang maigi!” ani Aly habang seryosong-seryoso ang mukha.

Tinitigan ko lang siya.

Alam ko naman ang kahihinantnan ng nangyayari… pero hindi ko mapigilan ‘yung nararamdaman ko. Kahit na minsan, gusto kong sabihin kay Aly kung ano ang nangyayari, hindi ko rin magawa. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. Kung katulad ni Kol, maiintindihan niya kami.
Sa pagkakakilala ko kay Aly, alam kong hindi.

“Let’s go? I heard Jahann’s there…” ngumiti sa akin si Aly at hinila na ako papunta sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe kami’y si Aly lamang ang nagsasalita. Pinagbabawalan niya akong kausapin si Dean para raw magmukhang tanga si Dean na daldal ng daldal pero walang kausap. Noong mga bata naman kami’y walang problema kay Dean at Aly. Kahit naman kasi hindi kami literal na lumaki na magkakasama, katulad ng mga pinsan naming at ng iba pa, hindi naman nawawala ang communication naming lahat.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!