Kabanata 50

160K 2.3K 145

Dedicated kay @JannicaSierra ang dami kong pinagpilian kung kanino ko idedicate, *O* kung pwede lang tatlo o apat ang pwedeng pagdedicatan ginawa ko na. :3 ayun, salamat Jannica! :)

Warning: Rated Spg

Kabanata 50


"Yes pakidala nalang lahat 'to sa office ni Mr.Go." Utos ko sa bagong empleyado, sa pagkakaalam ko fresh graduate ang isang 'to kaya pinapa-assist saakin ni Tom Andres, dalawang buwan na rin ang lumipas at last day ko na ngayon sa trabaho.


Humikab ako at nag inat inat.

"Nakakapagod." Bulong ko, ang dami ko kasing ginawa. Inayos ko kasi yung mga papeles na ipepresent bukas ni Tom Andres sa dalawang kliyente na napapirma ko sa deal para kumuha ng mga soap and shampoo saamin gamit ang pangalan ng kumpanya, ang sarap lang isipin na tuluyan ng bumalik ang mataas na tayog ng Go De Perfume.

Bumaling ako sa pinto nang biglang may kumatok, dahan dahan bumukas iyon at napakunot ang noo ko dahil unang una kong nakita ang isang boquet ng bulaklak.

"Pasok!" Sigaw ko, dahan dahan naglakad iyon papasok sa opisina ko.

"Despidida party?" Bulong nung may hawak ng bulaklak, ngumiti ako.

"Tom Andres." Tawag ko sakanya, yeah boses niya nga yung nagsalita kanina. Ibinaba niya ang bulaklak na nakatabig sa mukha niya at bumungad saakin ang ngiting ngiti na labi niya, humakbang siya palapit saakin at ibinigay ang bulaklak.

"Naghihintay sila Mateo, may hinanda silang party para sayo." Nakangiting mungkahi niya, inamoy ko yung bulaklak.

"At talagang may ganito?" Natatawang tanong ko sakanya, ngumisi siya. "Kaibigan mo ako kaya binibigyan kita ng bulaklak." Bulong niya, yes matalik na kaibigan.

"Uhm, Tom Andres? Baka kasi umiyak si Tyler kapag hindi ako nakauwi kaagad." Pag aalala ko, tuwing gabi kasi napapansin nila Tita Aira na iyak ng iyak si Tyler kapag nalelate ako ng uwi.

"Last nanaman 'to. Sige na." Sabi niya, sandali pa akong nag isip. Pero sa huli ay napapayag niya rin ako.


"Mamimiss kita girl! Iba na talaga kapag may sariling pamilya na, pero kahit ganon masaya ako para sayo." Ngumingising sabi ni Mateo, nandito kami ngayon sa isang bar, sa V.I.P kami nakapwesto para may privacy kami, limang kasamahan ko lang sa trabaho ang invited dahil alam niyo na iilan lang ang talagang naging totoo saakin sa company.


"Cheers!" Sigaw nila, umiinom ako pero isang bote lang ng beer ang iinumin ko ngayon, syempre may asawang tao na ako at ayoko namang umuwing lasing kagaya nung dalaga pa ako.

"Basta girl kapag may problema ka text mo lang ako." Paninigurado ni Mateo.

Napansin kong nakatitig saakin si Tom Andres habang nakangiti.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!