Elle Lopez - 3

768 6 2
                                    

Dumiretso ako sa Gym pagalis ko sa SB. And right now eh naglalaro ako ng basketball ng mag-isa. Nag-eenjoy talaga akong laruin ang larong ito. Nakikipaglaro rin ako ng by team. Pero hindi always. Mas enjoy kasi ako ng ako lang. Pawis na pawis na nga ako eh. Dribble, then shoot. Dribble, then shoot. Nag-try akong mag 3 piont shot, and then,

Pasok!

"Nice."

Laro pa rin ako ng laro ng may narinig akong pumalakpak. Si Ryan. Mukhang kakatapos lang niya maglaro.

"You're good."

"Thanks."

"Bakit mag-isa ka lang?"

"I prefer to play solo kaysa makipagbungguan sa ibang players."

"Pero mas enjoy naman kung marami kayo."

Nagkibit lang ako ng balikat. Magkaiba kami ng opinion. So it's no use na ipaglaban ko pa yung sagot ko. Nag-shoot ako ulit. Pasok again.

"Can I play with you?"

"One on one?"

"Yeah."

"Okay."

"Great. So ano pang hinihintay natin? Let the game begin."

Then naglaro kami. Men! Mali yata na nakipaglaro ako sa kanya. Because there's no denying na magaling talaga siya. Pero siyempre, hindi ako papatalo.

Nakakainis lang minsan kasi kapag nasa akin na yung bola and he blocks my way, nginingisihan niya ako. Tuloy, nawawala ako sa concentration ko. Kaya naaagaw niya yung bola.

One minute to go nalang at tie na yung score namin. Yep. Tie. Sabi ko nga diba na hindi ako magpapatalo. I've been playing this sport ever since fifth grade.

Hindi ko lang inaasahan na yung time na magsho-shoot siya at tumalon ako para agawin yung bola, nadaganan niya ako pagkababa niya. Kaya napahiga kami sa floor. Naramdaman ko naman na sumakit yung likod ko.

"Ow."

"Ok ka lang?"

Nagulat ako kasi nasa ibabaw ko siya and ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Sisigaw na sana ako ng makita ko yung expression ng mukha niya. Concern was writen all over his face. Kaya natameme ako. And my, mas gwapo pala siya sa malapitan. I was looking at him and he was looking at me. And andun na naman yung malakas na tibok ng puso ko. I don't know why pero gusto ko yung feeling habang tinitignan ko siya. There's something about it na hindi ko lang ma-explain. And it's a shock na hindi ako nagrereklamo sa bigat niya. I actually like it.

"Ehem."

Nagulat kami parehas kaya napalayo bigla yung mukha niya sa akin and tumayo na siya. Siyempre tinulungan din niya akong tumayo.

"I just want to remind you na bawal ang x-rated dito. " Si Rai.

Binatukan naman siya ni Daniel.

"Loko ka, bro. Nagkakahiyaan na nga sila, sinegundahan mo pa. " Alam kong namumula na yung mukha ko. Hindi dahil sa pagod kundi dahil sa nangyari.

"Nakakadalawa ka na sa araw na ito bro. Sumosobra ka na." Nag-attempt naman siya na batukan din si Daniel.

"Ano bang ginagawa ninyo rito?"

"Nakakaistorbo ba kami? Sorry. Sige, ituloy na ninyo yung ginagawa ninyo." Si Dustin. Then narinig ko yung binulong niya. "Kung ano man iyon,"

"We were just playing."

"Okay."

Pero halata pa rin na hindi sila kumbinsido. They were all smiling like crazy now.

"It's true!"

Elle LopezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon