Chapter 1: School of Monsters


Montello High.

Sa lahat ng school na napasukan ko, ito na yata ang pinakamalaki, pinakamaganda at… well, pinakamalayo. Naubusan na yata ng list of schools sina Daddy kaya dito na nila ako pinadala. Ilang beses na ba akong na-kick-out? It was just my first month as a junior in high school pero heto at nasa ibang school na naman ako. And the twist? It’s a boarding school. I've heard a lot of things about this Montello High, and it’s not quite good.

Inihatid ako ng Principal sa building sa may kanang bahagi ng school. Ang main building ng Montello High ay napagigitnaan ng dalawa pang building: sa kaliwa ay dormitory para sa mga lalaki at sa kanan ang mga babae. Halata sa features ng school ang karangyaan ng mga estudyante. In my case, I don’t know how Dad handled that. Dire-diretso kaming pumasok sa loob, walang bumati sa principal, ang ilang pumansin ay nagtaas lang ng kilay. Huminto kami sa isang pinto sa ikalawang palapag. Mas malaki pala ang loob nito kesa kung titingnan sa labas. Isang maganda, maputi at may mahabang buhok na babae ang nagbukas ng pinto at pinapasok kami.

“This is Summer Leondale, your new roommate,” sabi ng Principal.

“Hi. I’m Jamie!” Masayang bati ng nagbukas ng pinto.

“Mirden here!” Wika ng babae na nagbabasa sa kama. Merong tatlong kama sa maluwang na kwarto. Matapos ang ilang paalala ng Principal ay umalis na siya at dumiretso na ako sa bakanteng higaan na naka-puwesto sa dulong kaliwa. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko.

“Kailangan mo ng tulong?” Tanong ni Jamie. Lumapit na rin si Mirden. Iniisip ko kung isa ba siyang nerd dahil sa suot niyang salamin at hawak na libro subalit nang tignan ko ang book cover…MANGA! At nagbabasa siya ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya. Whoa! I’m expecting Encyclopedia for that get up!

“Kaya ko na 'to.” I am not really friendly and sociable. It’s Sunday and I’m used on spending it quietly. No people around. No noises. But I think it would be impossible starting this day. These girls seem nice… and I don’t like them.

“One month na simula nang mag-umpisa ang klase, bakit ngayon ka lang pumasok?” Kinuha ni Jamie ang isang libro na nilabas ko. “Bram Stoker’s Dracula? Nagbabasa ka nito?” Ang dami naman niyang tanong.

“Mabuti naman at napili mo ang Montello High,” naka-ngiting wika ni Mirden.

“Na-kick-out ako. At hindi ako pumili ng Montello,” I answerd coldly. Why? Why are they being so nice? Mali ba ang rumors tungkol sa school na ito?

“Na-kick-out? Bakit naman?” This Jamie girl would be a good paparazzi. Pero sige. Sasagutin ko na lang ang tanong niya.

“Because of sending nosy and stupid kids to our school clinic,” sagot ko at tiningnan ko sila ng matiim.

“Oh. Malapit nang mag-lunch. Bababa na kami, ah. Kung gusto mong sumabay cafeteria lang kami, ah.” Sabay na tumayo ang dalawa at lumakad sa pinto.

Umiiling na tinapos ko ang pag-aayos at pumunta sa cafeteria. Sa isang bukod na building na isa lang ang palapag at glass ang wall. Maaliwalas at maliwanag. Bumili ako ng single-sized pepperoni pizza at pepsi can at dumiretso sa isang bakanteng mesa.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!