Chapter 33

533K 11K 1.4K
                                    

Chapter 33
Time

"Thank you." nakipagkamay si Sean sa pilotong magpapatakbo ng private plane na aming sasakyan patungong San Francisco.

Wala nang inaksayang panahon si Sean at agad na inayos ang mga dapat ayusin upang makalipad kami agad patungo doon.

It was nice to have a husband like him who owns an airline at times like this. It's very convenient.

"Mommy..." tinawag naman ni Lyrae ang aking atensyon.

Nilingon ko siya at nakikita ko ang takot sa kaniyang mga mata na akin ding nararamdaman. I pulled her closer to me and she hugged me tighter.

"Pwede na tayong pumasok sa plane. We will be departing in a few minutes." sabi naman ni Sean nang bumalik siya sa tabi namin ni Lyrae.

Tumango naman ako at saka hinawakan ang kamay ni Lyrae.

"What about our things, Sean?" hindi ko maiwasang tanungin habang papaakyat kaminsa eroplano.

"Susunod si Warren bukas ng umaga. He will bring our things. Nasabihan ko na siya." sagot naman ni Sean. "Just sit where you want to sit. The plane's all ours."

Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong eroplano. I saw a good seat beside the window kaya doon ko napagdesisyunang umupo.

"Mommy, I want to sit beside the window..." I heard Lyrae whined and I turned to look at her.

I was about to move from my seat when Sean interrupt us.

"Lyrae, just sit beside me." sabi naman ni Sean kay Lyrae na agad siyang nilingon. "Let your mommy gets some rest first. Dito ka muna sa akin."

Ngumuso naman si Lyrae at tumango-tango. Lumapit siya kay Sean at doon siya pinaupo nito sa tabi ng bintana.

"If you feel tired, just sleep okay?" malambing na sabi ni Sean kay Lyrae.

"Opo, Daddy..." sabi nalang ni Lyrae.

Napangiti nalang at saka lumingon sa labas ng bintana kahit na hindi pa kami nakakalipad. I'm glad that I have the both of them tonight to make me company and happy.

Matapos ang ilang sandali ay nagtake off na ang eroplano. Ito na siguro ang pinaka-kalmadong pagt-take off ng eroplano na naramdaman ko. Sa sobrang pagdaramdam ko sa nabalitaan ko ay hindi ko man lang namalayang wala na kami sa lupa hanggang sa makita kong pataas na kami ng pataas.

When we're already flying stable, I started to admire how beautiful the sky is. Kahit na gabi na ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa gandang taglay nito. But no matter how beautiful it is, hindi ko pa kayang ibigay sa gandang ito si Daddy. I'm not yet ready to let him live here in peace.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako dahil sa pagod at kakaiyak kanina. Nagising lamang ako nang may naghatid ng pagkain sa akin. There will not be any stop-overs for this flight.

Nilingon ko naman ngayon si Lyrae na masayang kumakain kasama ni Sean. They're both having a great time. Lyrae's even feeding her dad at ganon din naman ang ginagawa ni Sean sa kaniya.

Binalik ko naman ang tingin ko sa babaeng naghatid ng aking pagkain. "Thank you. Just leave it her." sabi ko sa kaniya at agad niya namang sinunod ang aking gusto.

Tinitigan ko ang pagkain na nasa aking harapan. Kung hindi lang ako nakakaramdam ng pagkakalamya ay nilantakan ko na siguro ito. It looks so delicious but I don't have any appetite.

"Hey..."

Bigla naman akong napaangat ng tingin kay Sean na ngayo'y nasa gilid ko na.

"You should eat you know... I know you'll be needing a lot of strength when we arrive at San Francisco." he told me.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon