Chapter 46

198K 2K 52
  • Dedicated kay Kierwin Lee
                                    

CHAPTER 46

I closed my eyes as the wind blew. Hmm.. very cool and refreshing. Muli akong napatingin sa litratong hawak ko.

"Twins.." I whispered as I traced the outlines of the figures. I smiled. I touched my swelling tummy. "Luis and Andrea" Bulong ko sa mga ito habang hinahaplos ko ang malaki kong tyan.

And

And

And

I felt them kick!

"Luis.." I called. One kick from the right!

"Andrea.." And another kick from the left!

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ganito pala ang pakiramdam. Masarap. Masaya. Alam kong ilang beses ko nang naramdaman ang paggalaw nila pero hindi ko pa rin mapigilan ang kasiyahan.

Apat na buwan na simula nang dumating ako sa lugar na to. Apat na buwan mula nang iniwan ko ang buhay ko sa syudad. And my babies are now Seven months old inside me. Twins pa sila! I am very blessed indeed.

Hindi ko masasabing nakalimot na ako pero I feel a lot better. Ang pag-let go ay mahabang proseso, hindi ba? Maybe I did let go of him physically, pero yung feelings? Andito pa rin. Buhay pa rin. Pano nga ba naman ako makakalimot kung etong lugar na to ang pinuntahan ko. But I fell in love with San Juan, kahit pa napupuno ito ng alaala namin ni Dylan. My parents bought a house for me here. Mas kampante daw sila kesa magrent ako.

And hell! I am carrying his children, malamang hindi talaga sya basta basta maalisa sa buhay ko.

I smiled bitterly as I let myself feel this familiar pain.

Yes, this pain. This familiar pain --

"ARAY! WHAT THE HELL!" Napasigaw ako habang hawak hawak ang kanang bahagi ng ulo ko. Shit.

Patuloy lang ako sa paghawak ng ulo ko habang yung kabila naman ay pinupunasan yung luha ko. Letse yan. Napakaganda ng pagdrama ko dito tapos bigla akong nabato sa ulo!

"Miss! I'm so sorry. Hey, are you okay?" Nanlilisik ang mga mata kong napatingin sa lalaking nagsasalita sa harap ko.

"Ikaw kaya ang batuhin ko ng.." Tapos ay nakita ko ang hawak nyang volleyball ball na malamang ay pinulot na nya "..ng bola! Tingin mo magiging okay ka?!" Sigaw ko sakanya tapos ay patuloy lang ako sa pagpunas ng natitira pang luha sa pisngi ko.

"H-hey! Wag ka umiyak! Miss, hindi ko sinasadya, okay?" Natataranta nyang sabi.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon