Chapter 48: Regrets

Third Person’s POV

“Mommy...”

“Ikaw ang Mommy ko...”

“I love you Mommy. Bumalik ka na samin...”

Napabangon si Kisha at hinahabol niya ang kanyang paghinga. Punong-puno siya ng pawis at kita sa kanyang mukha ang pagtataka at takot dahil sa kanyang napanaginipan. Boses ng isang batang babae ang tangi niyang narinig pero wala siyang nakita at tanging boses lamang ang nasa kanyang panaginip...

Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Lumabas muna siya ng mansyon at nilanghap ang malamig na hangin. Mula nung mangyari ang laban sa pagitan nilang dalawa ni Van ay wala na siyang ginawa kundi ang mag-training. Pinag-aralan niya kung paano gagamitin at kokontrolin ang kapangyarihan niya. Desidido na siya ngayong talunin at patayin si Van at ipinangako niya na sa kanyang sarili na hindi na niya bibigyan ng pagkakataon pang mabuhay na muli si Van...

Ginamit niya ang kanyang bilis para makarating sa parke hindi kalayuan sa kanilang mansyon. Umupo siya sa may swing at pinagmasdan ang bilog na buwan...

“Bakit kahit anong gawin ko ay wala akong maalala?” tanong niya sa kanyang sarili. Para bang ng magkaroon siya ng kapangyarihan ay nagsimula na naman syang muli, walang kakilala, walang alam, walang maintindihan kundi ang patayin si Van. Tanging ‘yun lamang ang nasa isip niya...

Napahigpit ang pagkakahawak ni Kisha sa swing ng maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya. Awtomatikong pumula ang kanyang mata at humaba ang kanyang pangil. Pasimple siyang dumukot ng dagger sa kanyang bulsa at mabilis na ibinato ito sa kanyang likudan. Nakita niya ang mabilis na pag-iwas ng isang pigura at tumusok ang kanyang dagger sa puno...

Tumayo siya para habulin ang kung sino mang nagmamasid sa kanya pero bago pa niya magawa iyon ay nasa harapan na niya ito at sa isang kurap ay nakalapat na ang labi nito sa kanyang labi. Nanlaki ang mata ni Kisha sa gulat at hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nang mapagmasdan niya ang pangahas na humahalik sa kanya ngayon ay nalaman niyang...

si Van pala ito...

Gusto niya itong itulak pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay ang paghalik sa kanya ni Van ay nangyari na dati pero hindi niya maalala. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at bago pa mas tumagal ang pangyayari ay nakakuha siya ng lakas para maitulak si Van pero niyakap siya nito ng mahigpit...

“Let go of me!! What are you doing?!” pilit siyang kumakalas sa yakap nito pero hindi na kaya ng lakas niya. Buong araw din siyang nag-training kaya pagod na pagod pa ang katawan niya. Nagtataka na si Kisha kung bakit ginagawa ito sa kanya ni Van. Ito ba ang paraan niya para mapatay ako? isip ng dalaga. Pero nalilito pa rin siya, ang daming tanong sa kanyang isip na hindi niya alam kung saan siya kukuha ng sagot...

“Come back to me Kisha...” Van hugged her tightly and a tear escaped from his eyes...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!