Banat (2nd Batch 11-6-13)

2.9K 33 5

November 6, 2013

Banat # 26

Para raw sa gobyerno:

Makinig, makinig.

Tenga wag ipinid

Pagkat ako'y di gumigimik.

Nais ko lang manglait.

Mga taong sa kapangyarihan mapilit

Banat # 27

Nakikihalubilo kuno sa mahirap.

Pakitang tao lang oh! kay saklap.

Sa salitang bading umeeklat.

Banat #28

*Dre, rap for Janet Napoles.

Ang kayamanan bilyones.

Ninakaw sa bayan oh my goodness!

Haharap sa senado sa Huwebes.

Present mga alipores.

I bet magbibigay lang yan ng stress

Sure ako ang pagtanggi ay endless.

November 7, 2013

Banat # 29

*Ako'y nagtataka 

Nung bumagyo sa aming probinsiya

Bagsik ng hagupit ni Vinta

Ni anino ng pangulo di nakita

Ngayong paparating pa lang si Yolanda

Langya gobyerno aligaga

Unfair lang talaga

Sana di ko na lang binilugan sa balota

Pareho lang walang pinagkaiba

Sa mga trapo at ilitista

Ako'y napapamura.

....at bumalik na naman ang banat niya sa akin...kala mo naman TRUE! LoL

Banat # 30

*Can't remember,

I lost count of it either,

The times I told her,

Those three words I long to utter,

KEep taunting me and made me suffer,

I LIKE YOU!

NOVEMBER 8, 2013

Banat # 31

*Hey work na naman

Likod ko animo nadagdagan

Mabigat kasi nasobrahan

Sa gf nakipaglampungan

Ohh lala! kasi katawan!

Banat # 31

At natripan pa ako!....whaha!

*Hey Xian, ako'y kilig doon.

Sa sinabi mo ayos yun

Hindi ako hambog

Tingin ko ika'y nahuhulog

 Banat #32

*Nakakamiss pagkamakulit

Ika'y hulog ng langit

Para kang bagyo kung humagupit

Sa mga hirit, malupit.

 Banat # 33

*lovelife mo ba di mahagilap

Andito naman ako walang hirap

Always available madaling maapuhap

Kung humalik super sarap

Kung yumakap feeling mo nasa ulap.

 NOVEMBER 8, 2013

Banat # 34

* Puso ko'y napatalon

Akala ko hanggang ilusyon

Kakulitan mo ay nakakamiss yon.

 Banat # 35

Di man kita nakikita

Ito'y di alintana

Sapagkat sa akin higit pa

Ang pagiging kaibigan mo anong ligaya

Sana'y lagi kang anjan wag mawawala

Pag nangyari iyon ako'y magluluksa

NOVEMBER 9, 2013

Banat # 36

*Gandang umaga aking bati

Patawad pala kagabi

Ika'y nakatulugan di ko mawari

Kaya ngayon bumabawi

Lungkot mo mapawi

Pagmulat ng mata ikaw lagi

Paulit-ulit nagbabakasakali

Mamutawi ngiti sa 'yong labi

Pag nawala ka siguro mahapdi

Sa puso kong sa 'yo nakatali..

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!