-34-

53K 1.9K 282


PLANO ko na kahapon pa na maaga akong umalis upang hindi kami magpang-abot ni Mommy at Daddy para hindi nila makita ang mga sugat ko. Plano kong magpaalam na lang kina Manang na may kailangan pa akong puntahan sa library kaya naman nauna na ako at nag-taxi na lang papasok ng school.

Pero tinanghali ako ng gising dahil halos hindi ako nakatulog kagabi. Naging mailap sa akin ang antok kaya naman halos umaga na nang makatulog ako. Late na ako para sa unang subject ko kaya minabuti kong mag-half day na lamang. Hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko kaya hindi ko natitiyak kung wala na ba si Mommy o si Daddy.

Matapos maligo at lagyan ng gamot ang mga sugat ko ay mabilis akong nag-ayos ng gamit para pumasok. Hindi ko rin itinali ang buhok ko para kahit papaano ay matakpan ng buhok ko ang pisngi ko. Suot ko rin ang jacket ni Jahann para naman sa braso ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko. Takot na makagawa ng ingay. Kung makikita ako nino man sa kanila ay wala akong maidadahilan sa nangyari. My dad’s not stupid. Kung sabihin ko na nadapa ako, alam kong hindi siya maniniwala. Ganoon din si Mommy at Aly. Sa itsura ng mga sugat ko, halatang sinadya ang mga iyon.

Pababa na ako ng hagdan nang bigla akong tawagin ni Aly.

“Akala ko umalis ka na,” ani Aly. Naririnig ko ang yabag niya papalapit sa akin. Napapikit naman ako. “Uh, I woke up late. Sige, papasok na ako…” paiwas na sabi ko sa kanya bago nagmamadaling bumaba ng hagdan.

“Cherinna, wait!” hinabol naman ako ni Aly. “Sabay na tayo,” dinig kong sabi niya habang nakasunod sa akin.

Ugh. Aly, I love you, but I’ll kill you! Not now, please?

Ang dami ko pang iniisip. About these scratches, about Anika and Ian, about Jahann… about what I said last night.

“Cherinna!” hinawakan ni Aly ng mahigpit ang braso ko para pigilin ako sa paglalakad kaya hindi ko napigilang mapaigtad.

“Bakit nagmamadali ka ba? Half day naman na ang papasukan mo,” kunot-noong tanong niya sa akin. Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya at binabawi ang braso ko. Nararamdaman ko ang hapdi ng mga sugat ko.

“Just let me go,” marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya dahil nasasaktan na talaga ako. Kinuha ko ang gamit ko pero muling hinawakan ni Aly ang kamay ko. “What happened?”

Damn! “Nothing. I really have to go and—“

“What happened?” muling hinawakan ni Aly ang braso ko at muli naman akong napaigtad. Pinilit niya akong humarap sa kanya kaya naman nakita niya ang mga kalmot na nasa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ni Aly habang nakatingin doon at napalitan ng pagtataka ang emosyong nasa mga mata niya. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” pag-uusisa niya.

“Aly, let my arm go,” pilit kong binawi ang kamay ko sa kanya. “No, Cherinna. Sinong may gawa niyan sa’yo?” pinaliit ni Aly ang mga mata habang pilit akong pinapaamin.

“Geez, you’re hurting me!” asik ko sa kanya bago binawi ang braso. Hinayaan niya naman ako ngunit nakatingin pa rin siya sa akin.”It’s nothing. You have nothing to worry about, I’m fine…” sabi ko sa kanya ngunit bakas sa mukha ni Aly na hindi siya naniniwala sa akin.

“No. You need to tell me who did that to you,” pagpupumilit ni Aly. “We’re twins, Cherinna. Dapat kong malaman kung sino ‘yung nanakit sa’yo!” I know she’s genuinely concerned about me. At kahit naman kay Aly mangyari ang bagay na ito, pipilitin ko rin siyang sabihin sa akin kung sino ang may gawa ng bagay na iyon sa kanya. 

“Aly…” I closed my eyes and sighed.

Inabot ni Aly ang kamay ko. “Come on, Cherinna. Tell me…” mahinang sabi niya.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!