xx2: A Big NO to EARLY FATHERHOOD!!

Ugh. Pagod na ko sa pinag-gagawa namin ni Myra. So ganito pala sya bumawi sa nangyari kahapon.

Anong ginagawa namin? Hehe. Hindi kami pumasok ng school ngayon para mag-mall. Kaninang tanghali pa kami nagmo-mall hopping. Ito naman kasing si Myra, di na nakuntento sa iisang mall tapos ang ginawa lang namin ay KUMAIN, LAKAD-LAKAD, NOOD SINE, TUMAMBAY at KWENTUHAN. Tss.

"R-Rachellyn Quintos?" inulit ko ang pangalang bigla nyang binanggit habang naglilibot kami dito sa bilihan ng damit sa loob ng department store.

"Oo. Yung girl kahapon na nahuli tayo sa Camera Club, limot mo na?"

"Hindi.. Eh pero bakit sya nagquit sa club nyo?"

"Ewan.. Nahiya siguro sa nakita nya kahapon.. Pero okay na yun, nawala kaba ko nung nagquit sya."

"Ano ba namang dahilan yun.."

"Bakit parang affected ka sa pagquit nya? Type mo sya noh?"

"Hindi ah.." =___=

"Buti naman.. Di hamak na mas maganda ako sakanya eh diba?"

Ngumiti lang ako. Pilit na ngiti. Parehas silang MAY ganda eh, pero mas sexy lang pumorma si Myra.

"Ang cute oh!" sigaw ni Myra sabay hatak sakin sa...sa damitan sa KIDS' SECTION. "Ay mas cute toh! Pang-baby!!" at tinignan nya isa-isa yung mga pink na damit na pang-baby girl. "Honey, bili ka nito para sa future baby natin.. Hihi.."

"Future baby eh wala pa ngang nangyayari satin. Tsaka wala kong balak maging tatay sa edad kong toh noh. 20 years old lang ako, marami pa kong gustong gawin bago yun."

"Wala daw balak, eh ang dami-dami mo nang naging babae. Paano na lang kung isa sakanila magpakita sayo bigla tapos... May dalang bata at sabihing an--"

"IMPOSIBLE." mabilis kong pagtanggi.

Napatitig at napangiti sya sakin. "Kung maka-IMPOSIBLE ka naman.."

"Syempre. Alam ko kaya kung paano mag-ingat."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!