MALDITA 8

1.1M 25.3K 7.9K
                                    

MALDITA 8

Sa bahay ko pinatuloy si Nerd. Nagtaka pa nga sya kanina kung bakit ko sya dinala dito, hindi ko naman sya sinagot, instead pinabayaan ko lang sya sa living room. Kahit ang mga katulong nagulat din dahil may ibang tao akong dinala sa bahay bukod sa mga kaibigan ko. Dumiretsyo ako sa dressing room para magpalit ng damit dahil may plano pa akong mag-celebrate mamayang gabi.

Busy ako sa pamimili noong naramdaman ko na may nagbukas ng pintuan ng dressing room ko kaya agad akong lumabas ng walk-in closet ko para makita kung sino ang hampaslupang nangahas pumasok ng walang paalam.

"There you are! I am looking all over your house. Your house is huge ha. Ang dami ding pasikot-sikot." Bungad sakin ni Nerd na umupo sa red bean bag na nasa gilid lang ng pintuan.

Busy din ang mata nya sa pagtingin sa loob ng dressing room ko. Pink ang kulay ng pintura ng kisame at sahig ng dressing room ko at kulay purple naman ang wallpaper. White ang kulay ng pintuan ng walk-in closet. May limang bean bags sa gilid ng pintuan. Isang mahabang red sofa malapit sa may bintana. May dalawang full-length mirror. Carpeted din ang buong room para maiwasan ang pagtunog ng sapatos ko sa sahig.

"Do you know the word 'knock'?" Taas kilay kong tanong. Napatingin naman sya sakin.

"I know, but I don't knock."

"Let me remind you that we have an agreement. You are my slave now, kaya ayos-ayusin mo ang pananalita mo sa akin. Your bitchness is not allowed in this house at lalong lalo na sa akin. Naiintindihan mo ba?"

"Kalma, why so serious? Bakit mo ba ako inuwi dito sa bahay mo?"

"Because you are my slave now, kaya dito ka na titira sa akin. Pumili ka na lang ng gusto mong maging kwarto sa third floor...nandoon lahat ng guest room." Utos ko sa kanya at bumalik ulit ako sa walk-in closet ko.

Hindi pa din malinaw sa utak ko kung bakit ko tinutulungan ang Nerd na 'to. May tinatago din pala syang ka-bitch-an sa katawan nya. Looks like I underestimated her. Pero hindi magbabago ang tingin ko sa kanya...isa pa rin syang Nerdy looking girl. I don't know how long I can take her 'manang' outfit. So, help me God!

"What's in there?" Rinig kong sigaw nya.

"Apat na nga ang mata mo hindi mo pa nabasa kung anong kwarto ang pinasok mo." May nakalagay naman kasing 'Dressing Room' sa labas ng pinto tapos magtatanong pa kung anong meron sa walk-in closet? How stupid.

Kukunin ko na sana yung isang red tube fitted dress noong biglang may humawak ng kamay ko. Pagtingin ko si Nerd.

"What the?" Inis kong sabi at pinagpagan ang parte na nahawakan nya.

"Are you sure you're going to wear red today?" Tanong nya at parang gustong matawa.

"Ano namang pakialam mo?"

"Wala ka bang kalendaryo?"

"Ilang kalendaryo ba ang gusto mong ihampas ko sa mukha mo?"

"So, are you aware that today is Valentines Day?"

Oh. Valentines Day pala ngayon. Eh ano naman? It's just an ordinary day. Wala namang big deal doon. And I don't see the point of not wearing red.

"Don't tell me makikipag-date ang isang Avah Chen?"

"Napakadaldal mo alam mo ba 'yon? Date? Yuck ha. Hindi ako nakikipagsabayan makipag-date sa mga hampaslupa. I don't need a date because I'm better off alone." Sagot ko pa at tuluyang kinuha ang red tube dress.

"Oo nga pala. Sino nga naman pala ang maglalakas ng loob na makipag-date sa isang malditang katulad mo?" She said mockingly.

"Wala, dahil dapat lang na wala because all of the men out there doesn't deseved my attention. Bawas-bawasan mo ang pagiging madaldal at pakialamera mo ha. Dahil konti na lang, mararanasan mong bumaba ng second floor ng hindi gumagamit ng hagdan." Sagot ko sa kanya.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon