"Haaaaaay." Sabay naming sabi pagkahiga sa kama. "Nakakapagod yung byahe. Pero gusto kong magswimming."

"Bukas na, Dana. Tulog muna tayo." 

"Tulog na kayo. Swimming muna ako. Sayang yung hype ko eh."

"Sige. Akyat ka na lang pagkatapos mo."

Tapos nun, kumuha na ako ng swimsuit ko. Sumilip ako sa room ng boys pero tulog na si Andy at Dave, si Kill naman, may kausap sa phone. Si Cyriel siguro nasa room ni Ynna.

Bumaba na ako sa pool tapos nagswimming na ako. Nakakatanggal talaga ng stress. Mga 20 minutes din akong continuous lumalangoy nung umahon ako. Umupo ako sa edge ng pool.

"Sht. Nakalimutan kong kumuha ng towel. Pano ako aakyat." Sabi ko sa sarili ko. Ang lamig pa naman kasi gabi na.

Bigla akong napalingon kasi may naglagay ng towel sa akin, "Cy?"

Tinignan niya lang ako.

"S-salamat."

Tumalikod na siya. Akala ko aalis na siya pero nagulat ako kasi umupo lang siya sa swing. Tumayo ako tapos, "Pwedeng tumabi?"

Nagshrug lang siya ng balikat.

"Long time no talk, huh?"

Hindi siya sumasagot kaya tinanong ko siya, "Hanggang ngayon tahimik ka pa din?"

Hindi siya sumagot kaya sabi ko, "Sige, akyat na ako."

Tumayo na ako pero hinawakan niya yung braso ko, 

"Dito ka lang, Dana..."

I froze.

"Do you love Andy?"

"O-of course."

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!