"I'm fine..." hinawakan ko ang kamay niya at pilit na ngumiti. Huminga ng malalim si Jahann bago pilit na tumango sa akin. "Just make yourself feel comfortable. Nasa labas lang ako..." lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Hindi na ako sumagot sa kanya at tinignan ko na lang siyia hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Dumiretso na ako sa banyo at hindi ko mapigilang mapamura sa isipan ko nang nakita ko ang itsura ko. My hair's a mess! Lagkit na lagkit ako at sigurado akong nagdikit-dikit na ang buhok ko. Sinipat ko rin maging ang mukha ko. May mga kalmot ako sa kaliwang pisngi. Hindi naman malalalim ang mga iyon ngunit halos umabot iyon sa may panga ko.

Never in my entire life na nagkasugat ako ng ganito. Nag-aaway kami ni Aly pero hindi kami humahantong sa nagkakaroon kami ng sugat na dalawa. Liban na lamang noong bata kami kapag nadadapa kami na normal lang naman sa isang bata.

"Geez, hindi na ako oorder ng frappe!" iling-iling na sabi ko bago nagsimulang maghubad. Nananakit maging ang balikat ko dahil sa paghila ni Anika. Maingat akong tumapat sa shower at pumikit habang nararamdaman ko ang malamig na tubig. Hindi na ako nag-abalang timplahin pa iyon dahil mas gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig upang mabawasan ang hapdi ng sugat ko.

Kumpleto naman sa gamit ang banyo ni Jahann. Iyon nga lang ay panlalaking gamit ang mga naroon kagaya ng shampoo at laking pasasalamat ko na lang din na gumagamit si Jahann ng conditioner. Siniguro ko rin na malinis na ang buhok ko.

Nang makapaligo na ako, mas nakita ko ang mga kalmot ni Anika sa akin. Namumula ang mga iyon at nananatiling mahapdi.

Kailangan kong makaisip ng isang magandang dahilan kay Mommy at Daddy kung bakit ako mistulang napaglaruan ng pusa.

Paglabas ko ng banyo ay may nakita akong puting t-shirt at pyjama na naroon. May isang paper bag rin na nakalagay sa may kama.

Agad akong pinamulahan ng pisngi nang maisip ko kung ano ang laman ng paper bag na iyon. Maingat akong nagbihis at ibinalik ang mga ginamit kong tuwalya sa banyo ni Jahann nang mapunasan ko ang buhok ko. Hinayaan ko na muna iyong nakalugay para matuyo. Lumabas na rin ako ng kwarto pagkatapos.

Luminga-linga ako sa loob ng kabahayan niya pero wala akong makita ni anino ni Jahann. Iyon ang pangalawang beses na nakapunta ako sa bahay ni Jahann. Katulad noong una, maayos at organized ang gamit niya. Nakalagay sa tamang lagayan ang lahat ng gamit niya. Malamang, kung kami ni Aly ang bubukod, may posibilidad na makita ko ang sapatos ni Aly sa kusina.

Napangiti ako. But of course, malabong mangyaring bumukod kami ni Aly. Imposibleng papayagan kami ng mga magulang namin at wala rin naman akong planong umalis.

Lumapit ako sa isang rack na naroon. Puro pictures ang naroon. Katulad ng nasa kwarto ko. Maliban sa isang picture na solo ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Hindi ako nakatingin sa larawang iyon.

"Are you hungry?"

Napalingon ako nang marinig kong magsalita si Jahann. Napatingin siya sa frame na hawak ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti bago kinuha iyon at ibinalik sa kinalalagyan nito.

"Hindi ko alam na may ganoong picture ako," ani ko bago muling pinagmasdan ang larawan. Wala talagang duda sa talent ni Jahann pagdating sa photography.

"Kung alam mo 'yan, nakalingon ka sana, diba?" tipid siyang ngumiti sa akin. Napasimangot naman ako. Hindi naman naalis ang ngiti sa labi niya bago hinawakan ang kamay ko. "I bet you're hungry... well, you're always hungry, Creep..." tudyo nito sa akin.

"Ang kapal mo, ha?" inirapan ko ito bago kinuha ang kamay ko sa kanya. Sa totoo lang ay nagugutom na rin ako. Hindi ko alam na nakakagutom palang masabunutan at halos matanggalan ng anit. Naglalakad na ako papuntang kusina nang huminto ako at humarap sa kanya. Nasa likod ko lang naman si Jahann kaya napaatras ako.

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!