Chapter 20: Over

685 29 1

[ JUNHOE's P.O.V. ]

WOOH! Graveh Miss Author. Akala ko tuluyan mo na nga akong kalimutan!

Eh pano ba kasi pangalawang POV ko pa toh, eh sina Yunhyeong at Donghyuk?!

Pero kahit na...thankful parin ako sayo Miss Author...muuwaahh!

(a/n: Erhh..Hindi ko talaga maintindihan yang si Junhoe minsan. Nagagalit tapos...aisshh...bahala na nga!)

Nyahahaha....^_^V

Nga pala nandito kaming iKON nagtago sa likod ng malaking puno. Kakabagsak palang ni Yunhyeong sa puno kanina kaya nagtago muna kami sa likuran ng puno para magpahinga nadin, lalong lalo na tong si Yunhyeong na kakahulog lang.

Wanna know what happened kanina?

Nang marating namin ang bahay ni Aizany ay di namin alam kung ano na ang susunod na gawin. Maski tong si B.I., hindi man lang alam kung anong susunod na gagawin namin.

Pero one thing came up in our mind na aakyat kami sa punong malaki na ngayon mismo ay kung saan nagtago kami. Aakyat kami tapos tignan namin kung safe ba and then poof! Papasok kami...yun lang naisip namin eh. Itong si B.I. naman kasi ayaw ishare ang mga plano niya samin.

Pero anyways....

Isa-isa kaming umakyat. Nauna muna si Bobby. Aakyat na sana siya kaya lang hindi pa nga nakakalahati sa puno ay agad naman itong nahulog.

"Oh? Pre?! Masakit ba?" tanong ko kahit naman alam kong masakit.

"Ikaw kaya mahulog sa puno? Syempre sasakit yang PWET mo noh!" hiyaw ni Bobby kaya maski ako napakunot nga ang noo. I mean, woah lang ha? Tinatanong ko lang! Tsk!

Susunod namang umakyat ay si Jinhwan. Bilib nga ako sa kanya eh kasi nakakalahati na siya sa puno. Kaya maya-maya lang ay nadulas ito at nahulog naman.

"Okay ka lang tol?!" tanong ko muli kay Jinhwan habang inaalalay siyang tumayo.

"Ikaw ba namang mahulog diyan! Tch!" hm?! Galit din?!

Umiling nalang ako at nakatingin na kay maknae(Chanwoo) na hinay-hinayng umakyat sa puno. Kaya naman ay napabilib din ako sa kanya kasi nakatayo na siya sa isang branch ng kahoy.....waaa...nakakabilib talaga si maknae.

"Okay ka lang ba diyan Chanwoo?!!"

Pero bago pa man siya sumagot ay naslide siya, which caused him to fall, pero hindi naman gaano kalakas ang bagsak.

"Ikaw nalang ang umakyat B.I. hyung! Sakit tuloy ng pwet ko!" reklamo ni Chanwoo sabay himas ng pwet niya.

Kumunot nalang ang noo ni B.I. tapos sabay sabing ayaw niya kasi wala naman daw siyang alam sa pagkatkat ng puno, though, ayaw kong maniwala. Pero, sige nalang.

Kaya ayon, si Yunhyeong nalang ang nagprisenta at umakyat sa puno. And I have to say....marunong nga siyang umakyat. Parang unggoy.....sa tingin ko pinaglihi nga siya ng unggoy. (^_^)V

"Oh? Anong nakita mo diyan?!" sigaw ni B.I. kay Yunhyeong since ang taas naman kasi nang naakyat niya sa puno.

"Uhmm...ang daming Guards!"

"Ano pa?!!"

"May garden tapos may mga aso tapos may fountain tapos Ohw!!! May sasakyan!!!" (-_-)+ eh natural may sasakyan diyan sa loob! Kakaalam ko nga lang kasi na nagmamay-ari ng cars and transportation ang Papa ni Aizany. At malamang natural na may sasakyan diyan kasi magkokotse naman talaga si Aizany!!!

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now