Tumawag saken si Jay, kaibigan ni Kristoff. Lasing na daw ang kaibigan niya at ako ang hinahanap nito.
Bumaba ako sa taxi pagkatapos mag bayad ng pamasahe. Tumingin ako sa bar na nasa tapat ko ngayon, 'Heaven's 666'
Pumasok ako sa loob at napansin koagad ang ingay dito. Maraming nag sasayaw sa paligid, maraming nag iinom, at maraming nag lalandian. Umupo ako sa may stool at humingi na lang ng iced tea.
"MAHAL NA MAHAL KITA ANGEEEEEL. Bakit mo ginawa saken *hik* to?" Sigaw ng lalake sa hindi kalayuan. Umiiyak siya habang nag wawala, pinipigilan siya ng mga kaibigan niya.
"Ginawa ko naman ang lahat diba Marco? Bakit kailangan niya akong iwan?"
"Ginawa mo kasi ang lahat. Sa sobrang pag mamahal mo sa kanya, hindi ka na nag tirapara sa sarili mo." Sagot ng kaibigan nito.
"Bakiiiiiit niya kailangan umalis? Hindiiiiiiiiii na niya ako mahaaaaaaaal." Halatang medyo tipsy na yung lalake kasi pagewang gewang ito pumunta sa stool sa tabe ko. Yumuko ako para hindi niya makitang kanina ko pa siya pinag mamasdan.
Pagka order niya ng panibagong drinks, bumalik na siya sa kaibigan niya.
Sa sobrang pag ka masid ko sa kanya, hindi ko na napansing tumutunog pala cellphone ko.
"Hello? Jay?" Tanong ko.
"Naka alis ka na ba? Wala na bang pag asang balikan mo pa kaibigan ko?" Aniya.
"Tumingin ka sa paligid."
Awtomatikong nag hanap siya sa paligid. Iniwan niya ang kaibigan niyang kanina pa umiiyak at lumapit saken.
"Akala ko umalis ka na."
"Ewan. Hindi ko kayang iwan si Kristoff."
"Edi' lapitan mo na."
Tulad nga ng sinabe niya, lumapit ako sa lalaking kanina ko pa pinag mamasdan. "Kristoff.."
"Angel? Ikaw ba yan?" Umiiyak pa rin siya, pero parang bigla na lang nawala ang pagka lasing niya.
Nung napagtantong niya na ako nga, bigla niya akong niyakap. "Sabe na hindi mo ako iiwan, sabe na. Alam kong mahal mo pa ako. Wag ka nang aalis ah?"
Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang siya pabalik.
