CHAPTER FORTY-FIVE

3.3K 63 23
                                    

[STHEP’S POV]

“Mag-isa ka na naman.” sabi ko kay Damon. Nakaupo siya sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno. And as usual, may katabi na naman siyang isang bote ng beer.

Naging routine na iyon ng buhay ni Daniel simula noong napagpasyahan niyang kalimutan si Kathy isang linggo na ang nakakaraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging routine na iyon ng buhay ni Daniel simula noong napagpasyahan niyang kalimutan si Kathy isang linggo na ang nakakaraan.

Pumasok sa school.

Mag-cut ng class.

Dumaan ng tindahan.

Bumili ng 3 bote ng beer.

At umupo sa bench kung saan siya nakaupo ngayon.

Uminom.

Isipin si Kathy.

Ako na nga ang nagsasawa sa ginagawa niya eh. Kaso, hindi ko naman pwedeng pagsabihan. Hindi ko rin pwedeng pagbawalan kasi unang-una, hindi naman siya makikinig sa akin. At pangalawa, paulit-ulit ko na iyong ginawa. Ako na lang ang sumuko.

“Isang linggo na akong mag-isa. Hindi ka pa ba nasanay?”

Damon looked so miserable. Hindi na siya kasing gwapo tulad ng dati. Napaka-messy ng buhok niya. Hindi mo alam kung hair style niya na yon o hindi na talaga siya nagsusuklay. Nawala na rin ang sense of fashion niya sa katawan. Hindi ko pa nakitang hindi niya suot ang black leather jacket niya. Nilalabhan pa kaya niya iyon?

“Sanay na. Kaso, habang tumatagal mas lalong nagiging kapansin-pansin ang pag-iisa mo. Habang buhay ka na lang bang mag-iisa? Wala ka man lang bang balak na –“

“Wala.”

Hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Ang gusto ko lang naman sabihin, i-enjoy niya ang buhay niya hangga’t maari. I want him to live his life. Alam kong mahal na mahal niya si Kathy pero hindi lang si Kathy ang babae sa mundo na pwede niyang mahalin. Nabuhay nga siya dati na wala ang bestfriend ko. Magagawa niya pa ulit yon. Medyo mahirap nga lang.

“Tignan mo nga ang sarili mo. Hindi ka naman dating ganyan ah.” Puna ko sa kanya.

“Wala akong pakialam.”

“Pero ako, meron.” Dahan-dahan siyang lumingon sa akin saka niya ako tinignan ng masama. “Wag mo akong tignan ng ganyan. Concern lang ako sa’yo.”

Simula noong mawala si Kathy at sa halos araw-araw na rin naming pagsasama ni Damon ay masasabi kong sanay na ako sa mga matatalim niyang tingin, pati na rin sa mga kilos niya. Hindi na ako natatakot. Hindi na ako naapektuhan.

“Kung nandito ka lang para sermunan ako. Mabuti pang iwan mo na lang ako. Ayaw kitang kausap.” Sabay lagok niya ng beer.

“Sino rin bang may gustong kausapin ka sa itsura mong yan?” Umupo ako sa tabi niya. “May bote ka pa ba ng beer?”

Iniabot niya sa akin ang isa.

“Ayaw ko rin namang makipag-usap sa kanila. Quits lang.” Aniya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon