Kabanata 49

161K 2.4K 216

Dedicated kay @sweet_rhyme kahit anong stories ko yata nagcocomment ka ng bongga. hahaha, salamat sa suporta! :)



Kabanata 49


Tinititigan ko ngayon si Drake habang nilalaro niya ang kamay ni Tyler sa crib, masayang masaya siya.


Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko, hindi man ganun kadali dahil alam kong muntik na talaga akong mawala pero at least nakuha kong lumaban.

"Ang tapang nga ni Marie, mas matapang siya kaysa saakin. Pinigilan niya talagang h'wag ipikit ang mata niya pagkalabas ni Tyler." Puri ni Tita Jessica saakin, nandito kami ngayon sa sala. Natutulog naman sa itaas si Tyler, habang si Drake nandito sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko habang nakaupo kami sa sofa. Panay ang kwento nilang dalawa ni Tito Drew tungkol sa panganganak ko, kitang kita ko naman ang paghanga ni Papa saakin, natutuwa pa rin ako tuwing naaalala ko kung paano sinabi saakin ni Papa na matapang talaga ako.

"Pero sa totoo lang, 70 percent ng buhay talaga ni Marie ang nasa hukay nung gabing yon." Pag amin ni Tito Drew, tumango naman si Tita Jessica. Naramdaman ko ang titig saakin ni Drake pero hindi ko nalang pinag bigyang pansin iyon dahil alam kong nalulungkot lang siya.


"Yeah..yung heartbeats niya sobrang baba at bagal. Pero iba talaga, masasabi mong lumaban at lumaban siya." Masayang sabi ni Tita Jessica, hindi ko makakalimutan kung ilang ulit na malalalim na paghinga ang ginawa ko nung gabing iyon, basta ang iniisip ko lang non kailangan kong mapuntahan si Drake sa beach kahit na anong mangyari. 


Dahil nakikinita ko ang mukha niyang nalulunod sa luha dahil sa sakit. Alam kong mahal na mahal niya ako at ayaw niyang mawala ako kaya kahit sobrang hirap, lumaban ako at naniwala na maliligtas kaming pareho ng anak ko.

"Hay nako, kaya dapat pag laki niyan ni Tyler hindi maging matigas ang mukha. Aba, buwis ang buong buhay ng Mommy niya para lang makita niya 'tong mundong 'to." Sermon ni Tita Aira, napangiti ako, isipin ko palang kasi na makikita ko ang paglaki ng anak ko sobra sobrang lumulundag ang puso ko sa saya.

"Hahaha! Matapang din si Tyler, dahil normal ang heartbeats niya nung gabing yon. Grabe ang lakas niyang umiyak pagkalabas na pagkalabas, parang nagyayabang nga! At ang una kong napansin yung dimples niya!" Manghang manghang sabi ni Tita Jessica.

"Narinig ko siyang umiyak! Nagising nga ako eh!" Sigaw ni Miracle sa gitna ng usapan, nagtawanan naman kaming lahat! Ang pilya talaga niya.

"Diba baby? Ang lakas niya umiyak?" Sabi ni Tito Drew, tumango tango naman si Miracle.

"Kaya lang sobrang tagal nag-labor nitong si Marie! Iyak na nga siya ng iyak dahil sobrang sakit daw talaga! Limang oras pa yata yung hinintay namin bago tuluyang lumabas si Tyler." Sabi ni Tita Jessica.

"Nako, ganyan talaga kapag manganganak. Para kang binibiyak!" Sabi ni Mama.

Natawa ako nang maimagine ko ang sarili ko, iyak nga ako ng iyak kagabi dahil panay ang ikot ni Tyler sa tiyan ko at hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko nung gabing yon.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!