Chapter Four

65 3 0
                                                  

Tapos na ang shift ko at pauwi na ako. Third day ko ngayon dun sa trabaho ko. Naglalakad na ako ngayon papunta sa terminal ng bus dahil doon ako sasakay pauwi.

Medyo bad trip ako. Nandun kasi sa KAISTAL kanina si Migs at binuwiset lang ako. Tapos hindi pa ako nakakaganti, binirahan niya na ng layas.

Madapa sana siya kung saan man siya pupunta. =_=

Napatigil ako sa paglalakad nung napadaan ako sa isang studio..

Nalungkot na naman ako.

Naalala ko kasi na madalas dito pumunta si EN dati sa studio na to. Ilang beses ko na siyang nasamahan din dito. Kung anong ginagawa ni EN dito?

Simple lang. Kumakanta at sumasayaw. May talent siya dun at magaling talaga siya. Ako, kung may talent din ba ako?

Meron naman. Katulad din ng kay EN. Pero mas lamang ako sa pagkanta, hindi ako masyadong sumasayaw.

Nakaasar naman.. Ngayon ko lang naisip na malapit nga lang pala sa terminal ang studio na to. Ayoko pa namang madaanan to.

Hangga't maaari kasi, ayokong may magpaalala sakin tungkol kay EN lalo na kung hindi ako handa para alalahanin yon. Gaya ngayon.

Lumakad na ulit ako. Kaso hindi pa ako nakakalayo, napatigil din agad ako at lumingon ulit sa studio.

Bakit parang may humihila sakin para pumasok doon?

Sunod ko na lang natagpuan ang sarili ko na naglalakad dito sa loob ng studio.

Oo, pumasok ako. Hindi ko din alam kung anong nagtulak sa akin para pumasok dito.

Wala namang masyadong pinagbago ang studio sa loob ng lampas isang taon na mula nung huli akong tumapak dito.

Sa pagkakaalam ko, parang workshop din itong studio na to. Pwede kang mag-practice na sumayaw, kumanta, tumugtog at umarte. Pwede ding mag-record at mag-shoot dito.

Sinabi ko lang kanina sa nagbabantay dito na may kakilala ako na nagpa-practice dito ngayon. Pumayag naman kaya nakapasok nga ako.

Naglalakad ako dito sa pasilyo na kaliwa't kanan ay may pinto. Bawat pinto, sa loob ay isang kwarto na pinagpa-practice-an ng mga rumerenta dito.

Napatigil ako sa paglalakad sa tapat ng isang pinto nung makarinig ako ng kanta mula sa loob nun.

Korean na kanta. Pang-KPop. =_=

Medyo nakaawang kasi yung pinto kaya naririnig ko yung tugtog.

Nalungkot na naman ako dahil doon. Si EN kasi KPoper yon. Mahilig siya sa mga ganyang tugtog at hilig din niyang sayawin yun.

Minsan dati nadadamay ako sa ginagawa niya. Napapakanta ako ng mga kantang Korean kahit nabubulol na ako. Minsan din dati, sinasabayan ko siyang sumayaw dahil tinuturuan niya ako.

Masaya na kami sa ginagawa naming yon dati.. Isa yon sa mga madalas naming gawing magkambal. Isa yon sa mga bonding namin. At sobrang saya ko pag ginagawa namin yon..

Pero mas masaya ako kapag pinapanuod ko lang siyang sumayaw at kumanta. Mas gusto ko yung ganon. Kahit araw araw niyang gawin yon sa harap ko, hindi ako magsasawang panuorin siya.

Sumilip ako sa loob, salamin naman kasi yung upper part ng pinto kaya makikita yung loob.

At sa nakita ko, napanganga ako.

May isang lalakeng napakagaling sumayaw ang sumasayaw dun sa kantang naririnig ko. Parang napakagaan ng katawan niya habang sumasayaw.

Pero hindi naman yun ang ikinagulat ko eh. Natitigilan lang naman ako kasi...

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon