Chapter [36]

10.5K 290 0
                                    

Chapter [36] - Night Festival (2)

Alexis Point of View,

Nagdilim agad ang paligid ko sa sinabi nila.

Talo pa ang magjowa?

Tumayo na ako at kinuha ang nahalungkat kong sky blue na jacket kanina at umalis sa dorm.

Tinignan ko ang wrist watch ko kaso fvck! Hindi ko nga pala suot ito. Galit na lumabas ako sa building at nagpunta sa soccer field kung saan dito gaganapin ang night festival.

Marami-rami na rin ang mga estudyanteng nandirito.

Pero ang umagaw nang atensyon ko ay yung chocolate fountain atsaka pang kasal na cake. Pero ang nakasulat rito ay Night Festival in Monteverde Soccer Field.

Tsk. Ang daming alam nang dean. Naglibot libot lang ako hanggang sa maykumalabit sa akin at tinignan ko naman ito.

"Ate! Ate! Maynagpapabigay poh sa inyo."dalawang bata ang lumapit sa akin at inabot ang hawak nilang papel.

Kinuha ko naman ito at binuksan.

"See you when I see you."

At ang isa naman ay binuksan ko.

"I'm watching you! :)"

Familiar ang hand writing sa pangalawa kong binasa.

Pero ang unang papel na binasa ko isa lang print letter ang nakalagay.

Naisip ko na naman na baka ang 7th rank ang nagpadala nito. Sino pa ba ang nagpapadala sa akin nang death treat ang 7th rank lang naman.

Hinanap ko ang dalawang bata para magtanong kung sino ang nagbigay ng papel pero nawala sila.

Tsk nilukot ko nalang ang dalawang papel nang marealize ko na kailangan ko pala ang hand writing sa isa kaya tinago ko ito sa jacket ko at yung isa ang tinapon ko.

Julian Point Of View,

Psh. Ayaw ko na sanang maniwala sa sinabi ni Stella at ni Tiffany pero nang lumabas ako para hanapin si Alexis. May narinig naman ako sa mga estudyanteng nadadaanan ko sa hallway dito sa dorm building.

'Minsan lang sa isang taon nagkakaron nang Night Festival.'

Yan na naman ang sinabi ni Stella.

'Maaaring maging kayo nang kapartner mo sa oras nang 12:00.'

Nagrereplay na naman sa utak ko. >,<

Binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa labas nang dorm at naglakad-lakad at dahil nadaanan ko ang library ay pumasok ako rito.

Nakita ko naman ang librarian at nginitian lang niya ako kaya sinuklian ko rin siya nang isang ngiti at nilapitan.

"Miss Julian mayhinahanap poh ba kayong libro?"tanong niya at umiling lang ako.

"Mag-lilibang lang muna ako dito habang hindi pa nagsisimula ang Night Festival."sagot ko at isang tango lang ang sinagot niya at maylumapit naman sa kanya na isang lalaki dala-dala ang tatlong kahon na naglalaman nang mga libro.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon