"See pareng Lance nagbibinata na si kambal mo. Palagay ko tinamaan ito kay tita ninang, Ha Ha Ha."

"Asshole! Nicole ang pangalan ng babae'ng 'yon!" Nakakaramdam siya ng inis sa kaibigang si Ivann.

"Okay, fine! Pero pare walang biro ang ganda ni Nicole. Dapat hiningi mo yong mobile number."

Hindi ko na lang pinansin ang pang aalaska nito. Hanggang nakauwi kami ni kuya ng bahay. Tumuloy ako sa aking kwarto at padapang humiga sa aking kama. Niyakap ko ng mahigpit ang isang unan at doon sumubsob. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Nicole at ang kakaibang pakiramdam. Para akong teen ager na ngayon pa lang nai-inlove.

Ilang weeks na ang lumipas pero nanatili sa isipan ang mukha ni Nicole. Parang magnet na dumikit na sa kanyang pagkatao ito. Kaya palagi siyang puyat sa kakaisip kung ano ang maaring gawing move niya.

Kinabukasan ay late na ako nagising dahil sa napuyat. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang babae'ng 'yon. Panghihinayang dahil hindi ko man lang nakuha ang phone number.

Nasa hagdanan pa lang ako ay nag iingay na ang landline. Kaya sinagot na niya iyon dahil walang ibang tao doon.

"Yes?"

"Bro pumunta ka dito sa hospital sa kaibigan ni daddy i need you right now!"

"Bakit anong....?" Putik binabaan agad siya ng phone. Wala siyang choice kaya imbis na sa opisina tumuloy ay sa hospital siya dumiretso. Ano naman kaya ang gagawin nila doon? Bakit siya pinapupunta ng kanyang kuya.

Fifteen minutes narating niya ang hospital.

"What happen kuya?"

"Baka kulangin ang dugo ko kaya kita pinapunta dito."

"Para kanino kuya?"

"Kay Dave, remember yong batang nakita natin sa mall ang co-triplets niya ang nangangailangan ng dugo."

Hindi na lang ako nagtanong pa kahit nagtataka kung bakit ganon na lang ang concern ng kuya ko. Hindi naman nagtagal ay isang familiar na mukha ang napansin ko.

Lalapitan ko na sana pero mas mabilis ang si kuya Lance. Kaya naupo na lang uli ako sa bench.

"Standby ka lang bro," tango lang isinagot ko.
Hindi naman nagtagal ay lumapit ang nurse sa kanya.

"Kayo po ang donor? kulang pa ng ilang bag ang dugo."

Agad siyang tumayo, "yes i am miss."

"Sumundo ho kayo sa akin."

Three hours later,

Isang matinis na boses ang tumawag sa akin.

"Uncle Lander?" agad ko naman nakilala ang bata na si jade. Hinanap niya ang kuya ko pero hindi ko din alam kung nasaan iyon.

"Maybe he's inside the bathroom kiddo."
Napasulyap ako sa isang pang bata na kamuha nito.

"Ah uncle, si Dale po pala kambal namin ni kuya Dave."

"Hello kiddo."

"Hi po uncle," nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Hanggang nagpaalam na siya sa mga ito. Kailangan siya sa opisina dahil lately palaging busy ang kanyang kuya. Kaya siya muna ang pansamantalang umaako sa posisyon nito.

Habang papunta sa parking ay nagpapaisip siya. Humn, hindi kaya anak ni kuya ang triplets may something sa kanila.

One week later hindi mapalagay si kuya Lance.

"Anong problema bakit balisa ka?"

"Nabanggit mo ba kay mommy'daddy ang tungkol sa DNA test?"

"What about it? Kahit ako hindi ko alam yon."

BOOK #1: Your MINE! Nicole ( COMPLETE )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें