Chapter 1

1.6K 135 20
                                    

"Miss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss... I don't want to study here, withdraw ko nalang lahat ng subjects ko." I quickly said to Miss Clara, but she didn't listen to me.

Napalunok ako nang bigla naming marinig ang ring ng bell. Halos bumitaw na ang kaluluwa ko sa katawan ko marahil dala ng takot.

"Mas mabuti pa, pumunta na kayo agad sa dorm n'yo bago pa may ibang makakita sa inyo." Ani Miss Clara.

"T—Tara na..." Nahimigan ko ang takot da boses ni Henzy at Denise.

Sabay-sabay kaming lumabas na magka-kaibigan.

"Tara na sa dorm habang wala pang naglalakad-lakad na criminals dito sa labas!" Mahinang bulong ko sa kanila.

Mabilis at maingat ang bawat hakbang naming lahat. Halos nangangapa lang kami sa dinadaanan namin dahil sobrang dilim ng paligid. Namatay lahat ng ilaw, at ang tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw naming lahat.

"Putang ina, Pare! Tiba-tiba tayo sa magandang dilag na ito." Agad na nanlaki ang mata ko nang may marinig akong boses ng mga kalalakihang sa tingin ko ay hindi naman kalayuan sa pwesto namin.

"G—Guys, narinig n'yo yon?" Mahinang sabi sa amin ni Luis.

Bahagya akong tumango, Sila Denise at Henzy naman ay halos mapa-iyak na sa tabi ko habang si Zander naman ay pumulot ng isang malaking bato sa lupa.

"Maglakad na tayo! H'wag na tumunganga." Mahinang bulong niya sa amin.

Sa gitna ng aming paglalakad ay muli kaming nakarinig ng ingay. "H—Huwag please?? M—Magkano ba gusto niyo? Triple ang ibibigay ko sa inyo..."

"Tumahimik kang babae ka!"

Mariin akong napapikit at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Malapit na kami sa building nang muli na naman kaming makarinig ng ingay, pero sa puntong ito ay hindi na ingay mula sa bibig ng isang tao.

"Tunog ba ng baril iyon?" Nag-aalangang tanong ni Denise.

"Hwag na nating pansinin kung ano ang naririnig natin. Ang importante ay makarating na agad tayo sa dorm natin." Suwestiyon ni Luis.

Napahinga ako ng malalim nang makapasok kami sa loob ng building. Saktong paghakbang namin sa unang baitang ng hagdanan sa building ay kusang tumunog ang iPad na hawak-hawak namin.

Agad na nanlaki ang mata ko sa gulat. Nagtinginan kami ng mga kaibigan ko, ganun din kasi ang nangyari sa iPad nila. Tumunog!

"Paano ba patayin 'to?! Bakit ayaw mamatay?!" Umiiyak na sabi ni Henzy.

Bago ko pa maibato ang iPad na hawak ko ay nakarinig na kami ng mga yabag ng paa na sa tingin ko ay palapit sa amin.

Escape From UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon