xx1: A Teasing CLASH with an EX

Magsimula sa umpisa

Bakit kaya ang dali makuha ng mga babaeng nakakarelasyon ko? Lagi na lang nilang binibigay ang gusto ko.

"Ian.." humigpit yakap nya sakin when my kisses went down on her neck with my one hand rubbing her waist under her shirt.

*creeeaak*

Bigla kaming natigilan nang may nagbukas ng pinto!

"Oh.." nagulat na reaksyon ng babaeng may hawak na mga libro.

WAIT. I know her..

"Sor--"

"SORRY!" si Myra ang nagtuloy sa pag-sorry nya. Nagmadali syang tumayo at nahihiyang inayos ang sarili.

"No, no. Sige. Babalik na lang ako mamaya."

"H-Hindi.." pinigilan sya ni Myra. "Isasauli mo lang naman yang books diba?"

"Oo.. Sana.."

"Go ahead." umepal ako sa usapan nila. "Ayusin mo na yang mga libro sa lalagyan nila."

Hindi sya sumagot at tinignan lang ako nang seryoso. Tahimik syang pumasok papasok pumunta sa isang shelf.

Tulad ng sinabi ko kanina, KILALA KO SYA. She's Rachellyn Quintos. Classmate ko nung high school. An EX-girlfriend of mine. And not to mention, she's my first BED experience.

Kaya malamang galit sya sakin, dahil matapos ang nangyari samin, nakipaghiwalay na ko sakanya. Sobra nya yatang dinamdam ang break up namin. After kasi ng last grading exams namin nung 3rd year HS pa kami, hindi na sya umattend ng klase namin. Balita ko nagkasakit sya tapos bigla syang nag-transfer on the following school year. Since then, wala na kong narinig pa tungkol sakanya. Ngayon, makalipas ang halos 5 years, who would have thought na magkikita pa kami ulit? At sa ganito pa ka-awkward na sitwasyon.

"New member ka?" tanong ko sakanya. Pero di nya ko pinansin.

"Oo.." si Myra ang sumagot sakin. "New member namin sya.. Transferee rin, 3rd year Journalism student."

"3RD YEAR?" gulat kong tanong.

"Oo, 3rd year." ulit ni Myra. "Bakit?"

"Wala lang.." pinanood ko na lang syang mag ayos ng mga libro.

Pero nagtataka pa rin ako.. Dapat parehas na kaming 4th year eh.. Nag-stop kaya sya dahil sa sakit nya? Imposible naman kung dahil sa pera kasi may kaya ang pamilya nya..

Sa gitna ng katahimikan namin ay may nagbukas ulit ng pinto at sumilip ang isang babae.

"MYRA! Sabi na nga ba nandito ka lang. Hinahanap ka na ng groupmates natin!"

"A-Ah oo nga pala!" kinuha ni Myra ang bag nyang nasa sahig at sabay kaming lumabas ng kwarto. "Sorry hon.. May group work pa kami eh.."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!